^

PSN Showbiz

Eugene Domingo, parang superstar daw kung umasta

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Eugene Domingo, parang superstar  daw kung umasta

Wow parang superstar daw ngayon kung umasta si Eugene Domingo.

As in ang mga demand daw sa taping, ganun na lang.

Isang instance daw gusto nitong mag-coffee. Pero ayaw daw nito ng ordinary coffee. Gusto pa raw nito ay sa Starbucks. Eh ang advice daw ng production, wala silang budget para sa expensive na coffee. Ayun nagwala na umano si Eugene.

Actually, isang sample lang daw ‘yun, marami pa raw itong mga demand sa taping nila kaya naman tsugi na ang programa nitong Celebrity Bluff two weeks from now.

Minsan naman daw ay nilayasan ito ng stylist dahil sa sobrang talak. Na-late lang naman diumano ang stylist dahil sa matin­ding traffic pero wagas daw kung makatalak kaya ayun na-hurt ang stylist kaya nagbabu na lang.

Minsan naman daw ay sa shooting ng isang pelikula kung saan si Ms. Eugene ang bida. Nagso-shooting daw sila, sa isang liblib na lugar na hindi puwedeng pasukan ng kotse. Kaso bumaba raw ito para bumili ng chips ayon sa source.

At nang babalik na raw ito sa shooting, ayaw na diumano nitong maglakad, gusto na nitong magdala ng kotse.

Wala diumanong nagawa ang staff ng pelikula, ginawan ng paraan at naghanap sila ng way para makaakyat ang kotse ni Eugene sa bundok-bundok na location.

Sikat pa ba si Eugene? Eh ‘di ba wala naman siyang ginagawang pelikula.

Pasalamat pa nga dapat siya sa GMA 7 dahil meron siyang programa sa Kapuso Network.

Anyway, bukas ang pahinang ito kung may gustong liwanagin si Ms. Eugene.

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with