^

PSN Showbiz

Bianca namayat sa pagbubuntis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bianca namayat  sa pagbubuntis

Magtatatlong taon na sa Oktubre ang anak nina Bianca Gonzalez at JC Intal na si Lucia. Ngayon ay buntis na muli ang TV host at medyo nahihirapan ang kalagayan. “Hirap talaga ako magpalaki ng bata, mag-alaga. ‘Yung everyday na mag-alaga ng bata, feeling ko it’s so not natural to me unlike some other women na parang second nature ang motherhood. Ako hindi talaga,” pagtatapat ni Bianca.

Nagpapasalamat ang mag-asawa na hindi sila nahirapan na sundan ang panganay. “I breasted my daughter for two years. Parang hirap na hirap talaga ako. Nairaos ko talaga every day. No’ng nag-two years ‘yung anak ko, she weaned from breastfeeding on her own. Saka ko sinabi sa husband ko na, ‘Sige, we can start trying. We were lucky kasi just a few months of trying, I got pregnant right away. I know of so many couples na nahihirapan to get pregnant. So I just feel more than anything na ang swerte namin na no’ng ginusto namin, it didn’t take so long,” pagbabahagi ni Bianca.

Maglilimang buwan na ang ipinagbubuntis ng TV host at hanggang ngayon ay hindi pa raw nakararamdam ng paglilihi pero mas hirap siya kumpara noong ipinagbuntis si Lucia. “I can’t eat pa, grabe ako magsuka. Hindi lang morning, but all-day sickness. I lost so much weight when I got pregnant. Ten times ako sumusuka. Na-traumatize ako kasi kay Lucia, effortless. Ito talaga, I lost nine pounds. Now better na, mga three times a day na lang ako sumusuka,” pagdedetalye ni Bianca.

Samantala, ayon sa TV host ay hindi pa rin siya titigil sa trabaho pagkatapos manganak. “Maybe not, I’ve been asking advice from friends. Lahat sila sinasabi na technically mas madali ang pangalawa kasi alam mo na from the first. Hindi ka na kasing praning no’ng first. Kasi medyo alam mo na, tapos hindi ka na nagwo-worry about every little thing. Nagwo-worry ka pa rin siyempre pero iba daw ‘yung pangalawa talaga sa una,” pahayag ni Bianca.

vuukle comment

BIANCA GONZALEZ

JC INTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with