^

PSN Showbiz

Vice parang sina Diether, Marvin at Echo sa kaka-ingles!

SCENE SEEN - Pilipino Star Ngayon
Vice parang sina Diether, Marvin  at Echo sa kaka-ingles!
Vice

Elmo hagip sa pambabastos ng kuyang si Frank

SEEN: Dapat paghandaan ni Elmo Magalona ang mga isasagot niya sa presscon ng Walwal dahil tiyak na tatanungin siya tungkol sa kaso ng kanyang kapatid na si Frank Magalona na ikinulong kahapon sa Taguig Police station pero agad ding nakalaya.

SCENE: Hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Frank Magalona na masasangkot ito sa kaso ng panghihipo dahil alam nila na maligaya ang aktor sa piling ng non-showbiz girlfriend niya.

SEEN: Emosyonal si Vice Ganda sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa unang linggo ng 7th anniversary celebration ng Gandang Gabi Vice. May mga nadismaya kay Vice Ganda dahil dramatista at Inglesera na ang television host/comedian na minahal ng publiko dahil sa pagiging maka-masa.

SCENE: Sinusundan ni Vice Ganda ang mga yapak nina Diether Ocampo, Marvin Agustin at Jericho Rosales na mahilig mag-Ingles sa lahat ng interviews, kahit Tagalog ang mga tanong sa kanila.

SEEN: Unique na sana si Vice Ganda pero tulad ng ibang mga artista na sumikat, naging English speaking na rin siya at humblebrag.

“To make a seemingly modest, self-critical, or casual statement or reference that is meant to draw attention to one’s admirable or impressive qualities or achievements,” ang definition ng Merriam-Webster sa humblebrag.

SCENE: Ang pagtanggi ni Gabby Concepcion na makasama si Sharon Cuneta sa mga concert nito sa Amerika, kahit tempting ang offer, ang pruweba na hindi na niya kailangan ang ex-wife dahil masaya at kuntento na sa buhay ang aktor na may prinsipyo at paninindigan.

SEEN: Fake news ang balita na pumanaw na ang aktor na si Baron Geisler. Ang kanyang old self ang namatay at hindi siya ang explanation ng very much alive na si Baron.

SCENE: Dapat pagtuunan ng pansin ng direktor at ng production staff ng ASAP ang studio lighting dahil madalas na madilim ito kaya hindi agad makilala ang performers.

SEEN: Maluwag na sa dibdib ni Mark Bautista ang bu     mati ng Happy Pride Month sa mga member ng LGBTQ community dahil hindi na niya inililihim ang tunay na pagkatao. Malayang-malaya na si Mark buhat nang aminin nito noong February 2018 na bisexual siya.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

GANDANG GABI VICE

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with