^

PSN Showbiz

Gabbi lalayasan na ang GMA?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Gabbi lalayasan na ang GMA?!
Gabbi

SEEN: Kasunod ng announcement ni Gabbi Garcia na buwag na ang loveteam nila ni Ruru Madrid ang pagkawala niya bilang mainstay ng Sunday PinaSaya. Hindi na napapanood si Gabbi sa Sunday noontime show ng GMA 7.

SCENE: Malakas ang hinala ng fans ni Maine Mendoza na siya ang leading lady ni Coco Martin sa pelikula nito na isasali sa Metro Manila Film Festival 2018. Magsasanib puwersa sina Coco at Vic Sotto sa film festival sa December 2018.

SEEN: Lumipad kahapon sa Hawaii sina JC Santos at Bela Padilla. Kukunan sa Hawaii ang mga eksena nila para sa pelikulang The Day After Valentine’s.

SCENE:  Bukas ang grand presscon ng Walwal, ang joint production venture ng Star Cinema at Regal Entertainment Inc. Sa June 27 ang playdate ng pelikula na tinatampukan nina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Jerome Ponce at Kiko Estrada.

SEEN: Hindi maganda sa image ni Valeen Montenegro na nali-link ito sa ibang lalake dahil may non-showbiz boyfriend siya na very supportive sa kanya. Dapat nang mag-ingat si Valeen dahil kahit papaano, nakakalimutan na ng publiko na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Ciara Sotto at ng asawa nito na si Jojo Oconer.

SCENE: Masyado nang personal ang mga patutsada ng direktor na si Mike de Leon laban kay Atom Araullo kaya nagkakaroon na ng malisya ang mga nagbabasa ng kanyang rants sa Facebook.

SEEN: Lumitaw ang hangganan ng intelligence ni Hashtag member Nikko Natividad sa buwelta nito sa isang fan na inireklamo ang pagmumura niya. Simpleng Tagalog words na nga, mali-mali pa ang spelling ni Natividad.

SCENE: “Thanks for the love kahit ginago namin kayo” ang bagong pasasalamat ni Anne Curtis sa lahat ng mga nanood ng Sid & Aya (Not A Love Story). Overwhelmed si Anne dahil P48 million ang box office gross ng Sid & Aya sa apat na araw na pagtatanghal nito sa mga sinehan.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with