^

PSN Showbiz

Liza ‘di pa rin maharap ang Darna

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Liza �di pa rin maharap ang Darna
Liza

SEEN: Sa September 2019 ang target month para sa shooting ng Darna movie ni Liza Soberano ng Star Cinema dahil busy pa siya sa training at sa taping ng Bagani.

SCENE: Si Joey de Leon ang may concert ngayon sa Eat Bulaga, kasama ang The Broadway Boys. Ang mga old song na paborito ni Joey ang kakantahin nito sa concert nila ng The Broadway Boys.

SEEN: Mas mataas ang box office gross ng Sid & Aya (Not A Love Story) sa second day of showing nito sa mga sinehan noong Huwebes. Lubos ang pasasalamat ni Anne Curtis sa lahat ng mga tumatangkilik sa pelikula nila ni Dingdong Dantes.

SCENE: Ang press release ni Regine Tolentino na lalabas sa June 3 ang resulta ng annulment case nila ng kanyang estranged husband na si Lander Vera Perez. Walang pasok sa June 3 dahil araw ito ng Linggo.

SEEN: The Write Moment ang pamagat ng pelikula ni Jerald Napoles at Valeen Montenegro na ipalalabas sa mga sinehan sa June 27. Ang Viva Films ang distributor ng The Write Moment na official entry sa Que­zon City International Film Festival noong October 2017.

SCENE: Nagtapos ng Grade 10 sa Eton International School noong Huwebes ang young actor na si  Bailey May. Fifteen years old pa lamang si Bailey na dapat ipagpatuloy ang pag-aaral para may fall back siya kapag hindi naging successful ang showbiz career niya.

SEEN:  Ang bakasyon sa Japan ang pinili ni Joshua Aquino para sa kanyang 23rd birthday celebration. Sa June 4 ang actual birthday ng anak nina Kris Aquino at Phillip Salvador.

SEEN: Naging accommodating at generous sa pagpapainterbyu sa entertainment writers si Dra. Geraldine Zamora-Racaza, ang legal wife na ama ng anak ng celebrity stylist na si Liz Uy. Walang sinabi na masama si Racaza laban sa celebrity stylist nang makapanayam siya ng entertainment press sa launch ng libro na Lupus, Kayang-Kaya Ko ‘To noong May 30 sa Crowne Plaza Hotel. Itinanggi ni Racaza na annulled na ang kasal nila ng asawa niya.

vuukle comment

DARNA

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with