^

PSN Showbiz

Piolo 50 years old na uli gustong magkaanak!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Piolo 50 years old na uli gustong magkaanak!
Piolo

Sa edad ni Piolo Pascual na 41, hindi lang ang CEO ng Global Wellness Enterprises na si Gng. Ana Perez ang may crush sa kanya. Napakarami nila. Isama mo na ang napakaraming empleyado ng kum­panya niya na na-in love sa aktor nang makuha nila itong endorser ng isa sa mga produkto nila, ang My Daily Collagen.

Hindi naging hadlang ang napaka-busy na schedule ni Piolo bilang artista at prodyuser ng mga pelikula para iendorso ang My Daily Collagen na napagkakamalan ng lahat na isang beauty product pero, ang doctor na rin mismo ni Piolo ang nagsabi na napakamahalagang source ng protein ito para sa nabaling buto ng kanyang siko na dulot ng isang aksidente sa paglalaro  niya ng badminton.

Sa pag-inom nito ni Piolo ay tumataas ang kanyang energy level, napapabilis ang recovery niya mula sa extensive workouts, nababawasan ang sakit ng kanyang mga kasu-kasuan at napagmumukhang bata ang kanyang balat. Kaya nga si Piolo doesn’t look his age at malaki ang pag-asa na makapag-asawa pa’t magka-anak sa kanyang edad. Humihiling pa ang kanyang ina ng isa pang apo sa kanya. Nangako naman siya na pagbibigyan ang kanyang ina pero, hindi pa ngayon, pagdating na niya ng mga edad 50. Sa pag-inom niya ng My Daily Collagen madali niyang mapagbibigyan ang kahilingan nito.

Meteor Garden naalala kina Jodi, Richard at Robin

Malaking tulong sa Sana Dalawa Ang Puso ng magandang musical score nito. Feel na feel tuloy ng mga manonood nito ‘yung mga kuwento ng pag-ibig na binibigyan buhay nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla.

Ibinabalik nito sa alaala ng marami ‘yung theme song ng Meteor Garden.

Sunshine naghahanda na kay Bing

Sina Bea Binene at Sunshine Cruz ang mag-aagawan sa pagmamahal ng isang lalaki na ginagampanan ni Benjamin Alves sa Kapag Nahati Ang Puso, bagong serye ng GMA pero, hindi si Bea kundi si Bing Loyzaga ang nakakasampalan ni Sunshine sa serye.

Galing din si Bing sa Kapamilya network tulad ni Sunshine and in search for greener pasteur dahil single parent siya. Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na si Sunshine para sa pisikal na paghaharap nila Bing.

Agot natatakot na sa pulitika

Mukhang ganito kaaga pa lamang ay may gusto nang sumira sa plano ni Agot Isidro na pagpasok sa pulitika. Tumatanggap na ito ng mga kung anu-anong mga babala.

Bakit naman sa dami ng mga gustong pumasok ng pulitika ay siya ang napagdidiskitahan? Gaano man siya katapang o katatag ay hindi maaring hindi siya mag-alala o matakot dahil artista siya, marami ang mga lumalapit sa kanya na hindi niya kilala. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

ANA PEREZ

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with