^

PSN Showbiz

Rich at dyowang rugby player sobrang simple ang kasal sa HK

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Rich at dyowang rugby player sobrang simple ang kasal sa HK
Rich and Benjamin

SEEN: Natupad ang pangarap ni Rich Asuncion na destination wedding dahil ikinasal sila kahapon sa Hong Kong ng kanyang rugby player fiancée na si Benjamin Mudie.

SCENE: Sina Sunshine Dizon, Glaiza de Castro, Sheena Halili at Renz Fernandez ang mga witness sa civil wedding nina Rich at Benjamin sa Hong Kong.

 SEEN: Nagpasalamat si Maine Mendoza sa kanyang fans dahil humataw sa isang milyon ang tweets tungkol sa guesting niya sa Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA 7 noong Linggo. Nag-trending ang guesting ni Maine bago pa umere ang Daig Kayo ng Lola Ko.

SCENE: Muling sinuspinde ng Facebook ang account ni Mae Paner aka Juana Change dahil sa mga batikos niya sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

SEEN: Magkasunod na binati kahapon nina Karylle at Vitto Marquez sa It’s Showtime ng “happy birthday” sina Zsa Zsa Padilla at Alma Moreno na parehong nakarelasyon ng Comedy King na si Dolphy. Si Vitto ang youngest son ni Alma at si Karylle ang panganay ni Zsa Zsa. Kahapon ang 54th birthday ni Zsa Zsa at noong May 25 ang 59th birthday ni Alma.

SCENE: Open si Rhian Ramos sa idea na magkaroon sila ng collaboration ng M&Co.Cosmetics. Si Rhian ang first ever celebrity endorser ng M&Co.Cosmetics at gusto rin niya na magkaroon ng sariling make up line, gaya nina Anne Curtis at Vice Ganda.

SEEN: Kumpleto na ang listahan ng official entries sa ToFarm Film Festival 2018. Pitong pelikula ang finalists sa pet project ng pumanaw na direktor na si Maryo J. delos Reyes. Magaganap sa September 12 hanggang September 18 ang ToFarm Festival 2018.

vuukle comment

BENJAMIN MUDIE

RICH ASUNCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with