^

PSN Showbiz

KZ at Jake Zyrus nagkaroon ng relasyon?!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
KZ at Jake Zyrus  nagkaroon ng relasyon?!
KZ & Jake

Jenine sablay sa nota!

PIK: Ang dami nang close friends at supporters ni Atom Araullo ang nagri-react sa mga hanash ng direktor niyang si direk Mike de Leon sa Citizen Jake, pero deadma pa rin ang journalist.

Ayaw niyang patulan ito dahil baka isipin ng iba na gumigimik lang sila para mapag-usapan ang kanilang pelikula.

Sa totoo lang hindi naman nakatulong ang intriga sa kanila dahil hindi pa rin bumawi ang pelikula sa mga natirang sinehan.

Ayaw na lang magsalita ni Atom. Mas type na lang niyang mag-focus sa dagdag na promo ng Citizen Jake at ang documentary niyang Shark Land na ipinalabas kahapon.

IIkutin naman ngayon ni Atom ang Indo China para sa susunod na documentary na gagawin niya sa GMA News and Public Affairs.

PAK: Hindi napigilang maluha ni Jake Zyrus nang mag-surprise guest si KZ Tandingan sa concert niyang Music and Me na ginanap sa Skydome nung nakaraang Biyernes, May 25.

Heto namang nakasabay ni KZ sa X Factor si Mang Modesto, ibinuking sa isang gig niya sa Dubai na nagkarelasyon daw sina KZ at Jake.

Meron kasing nagtanong na meron daw namagitan kina KZ at Jake. Sabi nya; “Yun ang sabi nila. Hindi sa akin nanggaling yun ha? Sa kanila yun!”

Pero sa backstage daw ay sinabi niya sa ilang kababayan natin sa Dubai na talagang nagkaroon daw. Hindi lang sila sure kung totoo talaga yung tsika ni Mang Modesto o pabiro pa rin.

Sinuportahan ni KZ ang nakaraang concert ni Jake, darating din kaya siya sa Supreme concert ni KZ sa SM MOA sa June 22?

BOOM: Pinag-usapan nung nakaraang Linggo ang pagsablay ng kanta ni Jenine Desiderio sa ASAP.

Bahagi si Jenine sa ASAPinoy segment na kung saan may tribute sila kay Marco Sison. Si Jenine ang nagkanta ng I’ll Face Tomorrow kasabay si Jed Madela.

May bahaging sumablay si Jenine, na nadamay pa si Jed na parang second voice dapat siya sa kanta.

Sa galing na ‘yun ni Jed, sumabit din siya dahil sa pagsintunado ni Jenine, na sabi ng ilang bading na may alam sa pagkanta, parang hindi raw sigurado ang singer/actress sa mga nota ng kanta.

Ang nakarating na kuwento sa amin mula sa ilang taga-ASAP, sinisisi raw ni Jenine ang ‘di pagdating ng study tape sa kanya. Pero pagdating naman niya sa studio, pinag-aralan naman daw niya ang kanta kaya akala nila okay na. Pero sumabit pa rin, kaya pinag-usapan siya tuloy pagkatapos ng ASAP.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with