^

PSN Showbiz

Female personality paboritong itsismis ang mga natikmang lalaki!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ginawang komedya sa isang malaking umpukan ang isang pamosong female personality. Kasi naman, kung gaano karami ang nandu’n ay ganu’n din karami ang mga anekdota tungkol sa kanya, nagpista talaga ang lahat nang gabing ‘yun.

Puro halakhakan ang maririnig sa pa­ligid, tuwing matatapos ang isang kuwento ay parang nanonood ng pelikulang comedy ang mga nandu’n, nagkakaisa ang grupo sa pagsasabi na nag-iisa lang siya.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Di ba, nagkaroon siya nu’n ng karelasyong hindi kaputian? Moreno ang guy, kaya kapag magkatabi sila, e, para lang niyang nunal ‘yung boyfriend niya dahil sa sobrang kaputian niya.

“Para silang kape at gatas. Sobrang puti at flawless kasi ng girl. Natural, nagkaroon sila ng episode ng pagbiyahe sa langit ng happiness, di ba? Alangan namang nagbabasa lang sila ng komiks habang magkasama sila.

“Heto na. Nu’ng minsang kumustahin siya ng mga friends niya kung kumusta naman ang kanyang BF in bed, aysus, kumawala na ang kalokahan ng girl! Ganu’n daw ba talaga ‘yun?

“Bakit daw dark ang kulay ng sandata ng guy? Ang itim-itim daw! Kaya ang comment ng isang pinagkukuwentuhan niya, e, ‘Bakit, ano ang ine-expect mo sa kanya, e, ang itim-itim niya? Ano ‘yun? Kung pumuti ang kuwan niya, e, di parang anan ‘yun?’

“Naghahagalpakan silang magkakaibigan, kasi nga, ikinukuwento niya na very dark daw ang ari ng BF niya, nakakaloka siya, di ba naman? Pati ‘yun, e, kayang-kaya niyang ikuwento na parang wala lang!” humahagalpak na kuwento ng miron.

Heto pa. Pagkatapos nilang magkahiwalay ng isang kilalang aktor ay nakarelasyon niya naman ang isa pang male personality. Ipinaglaban niya ang lalaking pamilyado na.

Kuwento uli ng aming source, “Nakakaloka, lukang-luka sa kanya ang isang friend niya. Sabi niya kasi, ‘I thought it’s ____(pangalan ng kilalang aktor na ex niya) na, pero there’s ____(ang kasalukuyan niyang boyfriend na kilala sa pagiging so blessed ang sandata) pa pala! He’s so big talaga!’

“Siya na talaga! Wala nang makakakabog sa kagagahan niya! Kanya na ang titulo, wala nang makaaagaw pa sa kanya! She’s really so taklesa!” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Pinay na maraming naloko,  ginawang laruan ang pera

Windang na windang ang isang personalidad na kausap namin nu’ng isang gabi nang tutukan namin ang kuwento tungkol sa kababayan nating si Kathy Dupaya na kaliwa’t kanan ang mga asuntong hinaharap ngayon dahil sa kanyang pagkakautang.

Nagulantang ang kausap namin nang malaman nito na pera naman pala ng iba-ibang tao ang ipinamumuhunan ni Kathy sa kanyang mga negosyo. Sa pagkakaalam daw kasi nila ay nanalo nang milyun-milyong dolyar sa lottery ang negosyanteng naninirahan na sa Brunei.

Ang kuwento ng aming kausap, “Nu’ng una namin siyang nakilala, e, iba ang mga sinasabi niya. Kesyo matinding sakripisyo raw ang ginawa niya, nagsikap daw siyang umunlad, dahil napakahirap ng pamilya nila sa probinsiya.

“Pumapasok daw siyang nakapaa, wala raw kasing pambili ng kahit tsinelas lang ang lola niya na nagpalaki sa kanya. Hangang-hanga naman kami sa kanya dahil ang ganda-ganda ng success story niya.

“Sobrang generous niya. Parang laruan lang ang pera sa kanya, nagtatapon lang talaga siya, parang ganu’n. Kapag natuwa siya sa mga artistang kaibigan niya e, parang balewala lang sa kanya ang pagreregalo ng mga branded bags na daang libo ang halaga.

“Tapos ngayon, daang milyon pala ang kailangan niyang panagutan, ang dami-dami nang nagrereklamo, may mga nagdedemanda na sa kanya. Nakakalungkot dahil marunong naman siyang makisama, pero may kuwento pala sa likod ng pagiging milyonarya niya,” mahabang kuwento ng aming kausap na personalidad.

Magiging abala ngayon si Kathy Dupaya sa pagdalo sa mga hearing niya, mauubos ang kanyang oras at pera sa pagkuha ng serbisyo ng mga abogado, daang milyon ang halagang hinahabol sa kanya ng mga pinagkakautangan niya.

Pahabol pa ng aming source, “Lahat pala ng kuwento niya nu’n, e, hindi naman totoo. Pera naman pala ng kung sinu-sino ang hinahawakan niya. Hindi naman pala totoong nanalo siya sa lottery at masuwerte siya sa casino.”

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with