^

PSN Showbiz

Waistline ni Marian hindi kaya ni Jennylyn!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Waistline ni Marian hindi kaya ni Jennylyn!
Jennylyn

Nang makita si Jennylyn Mercado sa taping ng The Cure, hinanap namin ang binanggit niyang balakang sa isa niyang post sa social media. Para kasing ang laki-laki ng balakang niya sa caption na “balakang is life.” Nang tanungin namin ng kanyang vital statistics, 33-24-34 ang isinagot, so nasaan ang balakang?

Nagulat din kami sa narinig na “24 inches” ang waistline ni Jennylyn dahil marami ang nag-akalang gaya ni Marian Rivera, 19 inches lang ang waistline niya. Sabi ni Jennylyn, mahirap ma-achieve ang 19 inches dahil masipag siyang kumain. Naki-share nga itong kumain sa chips na ibinigay sa amin ng production staff ng The Cure. Ibig sabihin mga beshie, kumakain pa rin siya ng junk food.

Nagpu-focus muna sa The Cure si Jennylyn, kaya next year na gagawin ang horror film sa Rea­lity Film.

Teddy Boy Locsin naging tagahanga ni Alden

Siguro naman by now, napanood na ni Mr. Teddy Boy Locsin ang Alaala: A Martial Law Special dahil nang manalo ito ng Gold Camera sa Docudrama category sa 50th US International Film & Video Festival, nag-tweet ito at nagtanong kung paano niya mapapanood ang Alaala.

Sabi ni Mr. Locsin, “Admire this actor a lot” na ang tinukoy ay si Alden Richards na gumanap bilang Boni Ilagan. Maraming fans ang nag-send ng link ng docudrama na twice nang nanalo sa international film festival.

Sa lalim ng galit, aktres at mga kapatid hindi nag-effort na kontakin ang ina!

May rason ang aktres kung bakit hindi niya binati noong Mother’s Day ang kanyang ina. Walang phone number ang aktres ng kanyang ina, kaya hindi niya ito natawagan. Wala ring phone number ng kanilang ina ang kanyang mga kapatid at pare-pareho silang nagtatanungan.

Sa nag-comment na sana kahit sa social media ay binati ng aktres ang ina, hindi rin pala puwede dahil walang social media account ang mom nila. Hindi rin daw nito malalaman ang kanilang greetings.

May nag-comment na makakarating sa nanay nila kahit wala itong socmed kung binati nila ito dahil mababasa ng mga kaibigan ng nanay nila. Obviously, hindi ‘yun naisip ng aktres at ng mga kapatid nito.

Actually, madaling nagawan ng re­me­dy ang kawalan ng socmed account ng ina ng aktres at wala silang contact number nito. Puwede silang magtanong sa mga kaibigan ng kanilang ina kung paano ito mako-contact. Obviously, ma­lalim ang rift ng aktres sa nanay niya, kaya hayaan natin muna silang magpalamig at hayaang sila mismo ang lumutas sa problema nila.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

MARIAN RIVERA

TEDDY BOY LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with