^

PSN Showbiz

Kathryn at Daniel paghihiwalayin na!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at Daniel paghihiwalayin na!
KathNiel

Pagkatapos ng ginagawang pelikula

PIK: Pagkatapos ng The One That Got Away (TOTGA), thankful si Rhian Ramos dahil nagkasunud-sunod na magaganda ang mga project na napunta sa kanya.

Nung nagsimula raw ang 2018, ipinagdarasal niyang makagawa siya ng mga action film.

Ngayon ay dalawang pelikula ang ginagawa niya. Isa na rito ang trilogy na Tres na kung saan ang episode ni Vice Go­vernor Jolo Revilla na 72 hours, siya ang ka-partner at talagang napapasabak siya sa mga action scene.

“Nung last year, nag-pray talaga ako na sana bigyan ako ng comedy. Ang then, nung malapit nang matapos yung year, I got The One That Got Away. Super dream come true, answered prayer na finally I’m not doing a heavy drama. Although I love heavy drama, but you know, it’s been a really long time.

“Nung nasagot yung prayer na yun, hindi naman sa tini-test ko si Lord, humingi ako ng action, nakuha ko agad-agad.

“Sabi nga, just ask,” pahayag ni Rhian sa 3rd anniversary ng Vantage International na gina­nap sa City of Dreams nung kamakalawa ng gabi.

Malaking blessings din daw sa kanya na naging bahagi siya ng Vantage na kung saan ang isang line na dala nila ay ang M&Co na cosmetics na ini-endorse niya.

Natutuwa si Rhian da­hil sa kanya ipinagkatiwala ang produktong iyun na gamit gamit niya dati sa TOTGA.

PAK: Nung pinost ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na nag-present sa kanya ng Star Cinema ng project na gagawin niya, ang daming nanghuhula na maaring si Richard Gomez ang makakasama niya.

Malabo na kasi yung sa kanila ni Gabby Concepcion kaya si Mayor Goma na talaga ang posibleng ipa-partner sa kanya.

Wala pang kinukumpirma ang Star Cinema, pero sinagot pala ni Mayor Goma ang tanong ng isang kaibigan na kung may gagawin nga ba itong pelikula. Meron nga raw siyang project sa Star Cine­ma pero hindi pa niya alam kung ano ito.

Mukhang ito na nga ang pagsasamahan nila ni Sharon.

Hindi pa alam kung sinong young loveteam na isasama sa kanila.

BOOM: Ang bilis ng paglago ng negosyo ni Kathryn Bernardo na KatNails ha?

Nung May 26, 2017, binuksan ang ka-unahang nail spa ng Kapamilya young actress, at ngayong naka-isang taon na, naka-apat na branches na siya.

Ang pang-apat na KathNails ay pormal nang binuksan nung kamakalawa ng hapon na matatagpuan sa level 3 Midtown Wing ng Robinson’s Place Manila.

Lahat na opening ng KathNails ay suportado ni Daniel Padilla. Dumating ito sa ribbon-cutting, at dinagsa ito ng mga KathNiel fans.

Napansin nga naming parang bahagi na talaga ng pamilya Bernardo si Daniel. Ang close sa kanya ng pamangkin ni Kathryn na lagi itong nagpapakarga sa young actor.

Doon sa opening ng KathNails ay nabalitaan na­ming talagang pinapaganda raw ni direk Cathy Garcia-Molina ang sinu-shoot nilang pelikulang The Hows of Us. Sa July na raw ang showing nito.

Pero may narinig naman kaming ito na raw ang huling pelikula ng KathNiel. Kaya ginandahan nila, na ibang-iba sa mga nagawa nilang pelikula.

After daw nitong The Hows of Us, paghiwalayin na raw muna sila sa susunod nilang TV show.

Kung matutuloy ito, kanino kaya sila susunod na ipa-partner?

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with