^

PSN Showbiz

Kris aminadong limang minuto lang ang exposure sa Hollywood Movie!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris aminadong limang minuto lang ang exposure sa Hollywood Movie!
Kris

Waiting ako sa belated birthday gift na ipadadala sa akin ni Kris Aquino. Alam ko naman na tutuparin ni Kris ang kanyang promise dahil may isang salita siya.

Nag-react si Kris sa Instagram post ko tungkol sa pagpunta niya sa birthday celebration ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at sa pagtataka ko dahil wala siya sa trailer ng Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Mabilis ang sagot ni Kris na hindi itinanggi na maiksi lang ang exposure niya sa Hollywood movie na ipalalabas sa mga sinehan sa August 2018 pero very positive ang lahat ng reviews. Siyempre, pinaka-like ko sa statement ni Kris ang ampao na ipadadala niya sa akin.

“May utang akong birthday gift. I have never hidden the fact na I have at most 5- minutes of screen time in Crazy Rich Asians. But it was a once in a lifetime opportunity- so i grabbed it.

“Regarding the talent fee, I think it paid for my Michael Cinco gown. May strict non- disclosure agreement ang Warner Brothers, but when people watch the movie they will understand bakit ako na- excite.

“I remember you gave me such wise advice before- tinanong kita bakit okay maging maluho ang sasakyan ng artista & you said: Tetay, ‘yun ang nakikita ng mga tao- kung gusto mo ng malaking TF, dapat hindi ka ‘yung mukhang pwedeng tawaran. Never forgot those words. And put it into practice sa gastos sa glam team & wardrobe ko.

“Dumaan ako kasi yung party ni Mayor was 3 minutes away from my shooting set. Kung in-invite mo ko sa birthday mo- dumaan din sana ako & like last time, $ ang laman ng AMPAW na lucky envelope na gift ko.”

Aktor laging gigil, pinagtutulungan na

Nakarating na sa aktor ang mga komento tungkol sa kanyang gigil na gigil acting sa television show na tinatampukan niya.

Hindi lamang ang televiewers ang nakapansin sa galit school of acting ng aktor dahil pati ang network management, nag-worry sa acting na ipinakikita niya.

Palaisipan sa concerned friends ng aktor ang pagbabago sa acting nito dahil hindi naman OA ang pag-arte niya noong baguhan pa lamang siya sa showbiz.

Hindi pa naman huli ang lahat para sa aktor dahil may time pa siya na baguhin ang pag-arte niya. Puwedeng hingin ng aktor ang tulong ng direktor at ng mga co-star niya sa television show para makawala siya sa kanyang acting na parang laging nanghihingi ng acting nomination.

Sa tingin ko, kailangan uli ng aktor na mag-enroll sa acting workshop para mag-improve for the better ang talent niya sa pag-arte.

Paolo gustong palitan si Willie

Gayahin niya si Paolo Contis na maituturing nang veteran actor sa local showbiz dahil bata pa siya nang magsimula ang acting career niya pero hindi nakukuntento sa kanyang mga nalalaman.

Sa kagustuhan ni Paolo na maging magaling na television host, nag-enroll siya sa hosting workshop at pumili siya ng magaling na mentor.

Versatile actor si Paolo pero gusto rin niya na maging mahusay na host, lalo na ngayon na part na siya ng Wowowin, ang game show ni Willie Revillame sa GMA 7.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with