^

PSN Showbiz

Mariel handa na uling mabuntis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mariel handa na uling mabuntis
Mariel

Inaabangan na ng mga tagahanga ang pagbabalik ni Mariel Rodriguez sa telebisyon. Matatandaang pansamantalang iniwan ng aktres ang pagiging TV host nang magbuntis at magkaroon ng anak noong 2016. Bukod sa pagpapapayat ay pinaghahandaan na rin ng aktres ang pagiging isang working mom ngayon. “It’s another chapter that I need to open in my life ang maging working mom,” bungad ni Mariel.

Magdadalawang taon na ang panganay na anak nila ni Robin Padilla na si Isabella kaya nakahanda na rin umanong sundan ito kung papayag ang aktor. “If God gave me a chance for a second baby and pumayag si Robin for a second baby why not. Sana lang mas marami na akong milk (para sa pangalawang anak) and sabi nga nila ‘pag second baby, mas dumarami nga daw ‘yung milk,” giit pa ni Mariel.

 Wala raw problema sa aktres kung maranasan man ang lahat ng hirap at sakripisyo na naranasan noong ipinagbubuntis ang panganay kung papalaring magbuntis muli. “If it happens again, sana hindi na ganun kalaki. But I just pray and hope na sana hindi na ako gano’ng kalaki talaga,” pagtatapos ng aktres.

Daryl napansin ang kanta sa Korea

Kamakailan ay nai-release na ang kauna-unahang international single ni Daryl Ong na Stop My Heart sa Korea. Nagustuhan umano ng isang Korean singer at producer ang ginawa ni Daryl na English version ng kantang Beautiful na siya ring ginamit na theme song para sa Korean drama na Goblin.

Ito raw ang nagbigay daan para sa kantang Stop My Heart. Nakararamdam na umano ng pressure si Daryl dahil sa titulo niya ngayon na Asia’s Top Balladeer. “Naisip ko ‘yung skill level ko competent with, hindi lang pang-Pilipinas kundi sa ibang singers pa sa Asia,” nakangiting pahayag ni Daryl.

Mas pinagbubutihan pa raw ng singer ang trabaho ngayon dahil sa bagong titulo na ibinansag sa kanya. “Mas naging masipag ako mag-practice ulit,” pagbabahagi ni Daryl.

Samantala, masaya naman daw ang buhay pag-ibig ng singer sa kasalukuyan. Mahigit na isang taon nang kasintahan ni Daryl ang isa ring mang-aawit na si Dea Formilleza. May isang anak na si Daryl sa dating nakarelasyon pero hindi pa raw niya naipakikilala si Dea sa bata. “Hindi pa sila nagkikita. Aaminin ko medyo takot ako for Dwayne. I don’t know how I would feel if ever ako ‘yung nasa sitwasyon na ‘yon,” pagtatapat ni Daryl.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with