^

PSN Showbiz

Charlene ‘di na natapos ang pagluluksa

SCENE SEEN - Pilipino Star Ngayon
Charlene �di na natapos  ang pagluluksa
Charlene

Ted Failon kakandidatong senador!

Seen: Rated PG ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang Sid & Aya (Not A Love Story), ang pelikula nina Anne Curtis at Dingdong Dantes na mapapanood sa mga sinehan sa May 30.

May movie tour ngayong hapon, May 26, sina Anne at Dingdong sa Cineplex ng Gateway Mall.

Scene: Kabadong-kabado si Anne Curtis bilang guest Star Patroller ng TV Patrol noong Huwebes, kahit sanay na sanay na siya na co-host ng It’s Showtime. Hindi nakalimutan ni Anne na i-promote nang live ang Sid & Aya (Not A Love Story) sa TV Patrol.

Seen: Nababahala ang fans ni Ynez Veneracion dahil ang bibig na lang niya ang gumagalaw kapag nagsasalita siya. Itinanggi na noon ni Ynez ang balita na may ipinaretoke siya sa kanyang mukha.

Scene: Hindi pa tapos ang pagluluksa ni Charlene Gonzales dahil namatay noong May 12 ang kanyang father in-law na si Cheng Muhlach at sumakabilang-buhay noong May 23 ang kanyang step-father na si Pepito Vera-Perez. Parehong binawian ng buhay sina Cheng at Pepito sa edad na 74.

Seen: Kinumpirma ni Senator Tito Sotto na kinausap na niya ang news anchor na si Ted Failon para kumandidato ito na senador sa eleksyon sa 2019.

Kapag tinanggap ni Failon ang alok ni Sotto, dalawa na sila ni Jiggy Manicad na tatakbong senador sa susunod na taon. Nag-resign na si Jiggy bilang news anchor at reporter ng GMA 7 dahil sa kanyang political plans.

Scene: Forty million pesos ang halaga ng demanda ng businessman na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya. Inalok ni Dupaya kay Cruz ang building na pag-aari niya bilang kabayaran pero nadiskubre na diumano, under litigation ang gusali.

Seen: Hinahabol din si Kathelyn Dupaya ng mga artista na nag-invest sa kanyang mga negosyo sa Brunei. Malaking halaga ng pera ang sangkot kaya parang binayaran din ng mga artista na naghahabol kay Dupaya ang all-expense paid vacation nila noon sa Brunei na ginastusan ng businesswoman.#GinisaSaSarilingMantika.

Scene: Mahilig sa artista si Kathelyn Dupaya kaya malaking achievement para sa kanya na ma-penetrate ang local showbiz. Avid fan ni Sheryl Cruz si Dupaya at nag-gatecrash ito sa church wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2014.

vuukle comment

CHARLENE GONZALES

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with