^

PSN Showbiz

Ara Mina pumatol daw sa Usec na may sabit!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ara Mina pumatol daw sa Usec na may sabit!
Ara

MANILA, Philippines — Ay si Ara Mina pala ang nababalitang pumatol sa isang undersecretary na may karelasyon.

Nauna na itong na-blind item na umano’y nahuli ang isang singer (Ara) nang mag-show at ayaing kumanta ang isa sa mga nasa audience na nagkataong partner ng undersecretary. Ayaw daw sumama ng partner ni Usec pero mapilit si Ara at kinuha ang cell phone at dun pinabasa ang lyrics ng kanta. Kaso habang binabasa raw sa phone ni Ara ang lyrics, nag-text ang undersecretary ng isang government agency at tinatanong kung nasa party ang partner niya (yung inaya ni Ara). Bingo nang matapos kumanta, dinala ang phone ni Ara ng partner ng undersec at nabasa ng girl ang conversation ng kanyang partner at ng actress/singer. Nagkaroon daw ng confrontation sa comfort room at ‘yun nga nagkabukingan na.

Nag-pramis si Nay Lolit Solis na kukunin niya ang side ni Ara sa kuwento.

Pa-blind item ding sinulat ni Nay Lolit ang nasabing kuwento na unang sinulat dito sa PSN ni Gorgy Rula sa kanyang Instagram account kagabi.

Bukas ang pahinang ito kung may nais ipaliwanag si Ara.

Respeto nanguna sa Urian

Nangunguna ang pelikulang Respeto na may 12 nominasyon kasama ang Best Picture, Best Director para kay Treb Monteras II, at Best Actor para sa rapper-actor na si Abra sa inilabas na nominasyon ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa 41st Gawad Urian na magaganap na sa Hunyo 14 (Huwebes) sa ABS-CBN Vertis Tent at eere ng live sa Cinema One, 7pm.

Sumusunod naman ang Best Picture nominees na Balangiga: Howling Wilderness na may 10 nominasyon at Tu Pug Imatuy na may siyam na nominasyon. Kabilang din sa Best Picture nominees ang The Chanters  na may pitong nominasyon, at Birdshot at Bhoy Intsik,  na parehong may tig-anim na nominasyon.

May tig-anim ding nominasyon na natanggap ang mga pelikulang Changing Partners, Ang Larawan, at Kita Kita.

May temang Pinoy music ang inaabangang Gawad Urian 2018 dahil musical ang tatlo sa mga nangungunang pelikula, ang Respeto, Ang Larawan,  at Changing Partners.

 Paparangalan din ang jazz pianist, composer, arranger, at musical director na si Winston Raval (Vanishing Tribe) bilang Natatanging Gawad Urian awardee. Higit na sa 20 pelikula na ang ginawan niya ng film scoring. Kinilala rin si Winston bilang Best Musical Director para sa Ikaw Ay Akin sa 1977 Urian Awards.

Samantala, kabilang sa Best Actress nominees sina Alessandra de Rossi (Kita Kita), Joanna Ampil (Ang Larawan), Angeli Bayani (Bagahe), Gloria Diaz (Si Chedeng at Si Apple), Dexter Doria (Paki), Jally Nae Gilbaliga (The Chanters), Agot Isidro (lChanging Partners), Elizabeth Oropesa (Si Chedeng at Si Apple), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Stella), Angellie Nicholle Sanoy (Bomba), at Malona Sulatan (Tu Pug Imatuy).

Bukod naman kay Abra, sina Empoy Marquez (Kita Kita), Nonie Buencamino (Smaller and Smaller Circles), Timothy Castillo (Neomanila), Noel Comia Jr. (Kiko Boksingero), Allen Dizon (Bomba), RS Francisco, (Boy Intsik), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Sandino Martin (Changing Partners), at Justine Samson (Balangiga: Howling Wilderness) ang inanunsyong Best Actor nominees.

Abangan ang 41th Gawad Urian sa Cinema One (SkyCable ch. 56, Destiny Cable Digital Channel 56, at Destiny Analog Ch. 37) sa darating na Hunyo 14, 7pm.

 Magaganap naman ang kauna-unahang CineManunuri Film Festival, sa pakikipag-ugnayan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ng Cinema Centenario, sa darating na Hunyo 15 hanggang 29 tampok ang mga nominado at mga magwawaging pelikula sa Gawad Urian 2018.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with