^

PSN Showbiz

JM gulat sa dumarating na blessings

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM gulat sa dumarating na blessings
JM

Lubos na nagpapasalamat si JM de Guzman sa mga tagahangang hindi siya iniwan at patuloy siyang sinusuportahan ngayong nakabalik na sa telebisyon.

Napapanood araw-araw sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleser­yeng Araw Gabi na pinagbibidahan ng aktor at ni Barbie Imperial. “Nakaka-shock and overwhelming po ‘yung blessings. Sobra lang po akong thankful talaga,” nakangiting bungad ni JM.

Masaya ang binata dahil tinangkilik ng mga tagahanga ang kanilang bagong tambalan ni Barbie. “Masaya po na nag-work ang love team namin pero ibibigay pa rin po namin ang best namin,” dagdag ni JM.

Kamakailan ay napabalitang nagkaroon ng problema sa pagitan nina Barbie at ang sinasabing espesyal sa puso ng aktres na si Paul Salas. Dahil dito ay nagkaroon ng mga espekulasyon na posibleng pinagseselosan ni Paul si JM. “Ang alam ko nagkaproblema lang, pero ayos na sila. Hindi po, magkaibigan po kami,” paglilinaw ni JM.

Jessica bumilib sa paglaladlad ni Jake

Isa si Jessica Sanchez sa mga panauhin para sa Music & Me concert ni Jake Zyrus na gaganapin mamayang gabi sa Skydome ng SM-North Edsa. Matatandaang nagkasama si Jessica at noon ay si Charice Pempengco pa sa isang benefit show sa Amerika apat na taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Jessica ay hinangaan niya ang katapangang ginawa ng kaibigan partikular na ang paglalahad nito ng totoong katauhan sa publiko. “I’m a huge supporter of the LGBT community. When I go back home, I’m going to Chicago and perform at Chicago Pride. It’s normal to me. It didn’t affect me that much. I’m just really happy to support him in his journey,” paliwanag ni Jessica.

Kahit nagbagong bihis mula sa pagiging si Charice ay sobrang hinahangaan pa rin umano ni Jessica ang pagiging magaling na singer ni Jake. “I can’t stop acknowledging Filipino talents out here. It’s insane! I’m proud of Jake coming out, of being himself. That’s a very hard thing to do, eyes watch you all the time. This is real artist being himself,” giit ni Jessica.

Samantala, masayang-masaya naman si Jake dahil pinaunlakan ni Jessica ang kanyang imbitasyon na maging bahagi sa nasabing concert. “’Yung talent na nare-recognize ng buong mundo sa kanya, the fact na ang dami-daming Filipino singers. Si Jessica is well known, the fact ‘yung ta­lent niya na-appreciate ng marami, ‘yon ang nakaka-proud,” nakangiting pahahag ni Jake.

Kasama rin sa Jake Zyrus Music & Me concert sina Kyla at Inigo Pascual.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with