^

PSN Showbiz

Kapatid ni Nathalie Hart consistent na talunan sa pageant!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kapatid ni Nathalie Hart consistent na talunan sa pageant!
Nathalie

SEEN: Ang 56-year old career executive na si Arnold Gonzales ang ipinalit ng Department of Tourism kay Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board. Thirty years nang empleyado si Gonzales ng DOT at TPB. Siya ang Officer-In-Charge ng Domestic Promotions Department ng TPB bago siya hinirang na replacement ni Cesar.

SEEN: Balik-taping si Alfred Vargas sa Kambal, Karibal ng GMA 7 pagkatapos ng dalawang linggo na Disney cruise nila ng kanyang pamilya. Extended hanggang August 2018 ang Kambal, Karibal, ang top rating primetime television series ng GMA 7.

SCENE: Kumbinsido ang marami na may balak na kumandidato si Dingdong Dantes sa eleksyon sa susunod na taon kaya bumalik siya sa pag-aaral. Kapag natuloy ang plano ni Dingdong na pagpasok sa pulitika, ang Sid & Aya (Not A Love Story) na ipalalabas sa mga sinehan sa May 30 ang huling pelikula niya.

SEEN: Ngayon, May 25, ang 59th birthday ni Alma Moreno at ang 46th birthday ni Rosanna Roces. Parehong mga reyna ng bold films sina Alma at Rosanna noong kapanahunan nila. Kapwa hirap sina Alma at Rosanna na magpapayat dahil lumobo nang husto ang kanilang mga katawan.

SCENE: Young Claudine Barretto si Janella Salvador at young Bobby Andrews si Jameson Blake sa mga eksena nila sa So Connected, ang pelikula ng Regal Entertainment na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.

SEEN: Talunan sa lahat ng mga pageant na sinalihan ang younger brother ng sexy star na si Nathalie Hart. Dapat nang awatin ni Nathalie sa pagsali sa mga contest ang kapatid niya na nag-aambisyon na mag-artista.

SEEN: Ang The Theater ng Solaire Resort & Casino ang venue ng awards night sa July 9 ng 2nd The Eddys, ang award-giving body ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with