^

PSN Showbiz

Magaling na aktres pumalag sa blind item, dinipensahan ang pagtulog sa taping

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakarating pala kay aktres ang blind item natin dito tungkol sa kuwentong tinulugan niya ang director at co-stars habang nagbibigay ng instructions si direk.

Alam ni aktres na siya ang tinutukoy at gustung-gusto niya sanang sagutin ito, pero blind item naman kasi kaya tahimik na lang siya na medyo masama siguro ang loob.

Ilan sa mga taong close sa kanya ang kumausap sa akin para klaruhin ang item na iyun.

Totoong nakakatulog na siya sa set dahil straight 26 hours na pala siyang gising.

Kagagaling lang daw niya ng Australia at siguro nagkaka-jet lag din kaya medyo hilo na ito dahil pagbalik ng bansa, deretso na siya sa taping ng drama series na pinagbidahan niya.

Hindi rin siya makasingit ng power nap dahil sunud-sunod ang mga eksenang kinukunan. Kaya nung mag-uumaga na, hindi na niya napigilang makatulog kahit nasa gitna na ito ng set. Kawawa rin kung tutuusin.

Manager ni Alden napuno na ang salop!

Wala kaming ideya kung ano na ang role ngayon sa career ni Alden Richards ng personal manager niyang si Carlites de Guzman.

Matagal na kasing nagkaka-isyu yan sa fans ng Pambansang Bae na pera pa ang involved.

Ngayon ay napuno na siya at hinahamon niya itong mga nagbibintang sa kanya na maglabas ng pruweba sa lahat na mga iniisyu sa kanya.

Nakausap namin ang ilang taga-GMA Artist Center na malapit kay Alden at sinasabi nilang kilala raw nila si Carlites na dati namang manager ni Alden at hanggang ngayon ay may ugnayan pa rin sila bilang personal manager ng aktor.

Pero nilinaw nilang hindi nakikialam si Carlites sa pag-handle ng GMA Artist Center sa career ni Alden.

Wala raw silang problema kay Carlites na hindi naman umeepal na siya pa rin ang manager.

At kapag may mga nag-i-inquire nga raw kay Carlites, ipinapasa raw niya ito sa GMAAC. Kaya unfair din naman daw sa dating personal manager na naiisyuhan siya ng kung anu-ano gayung tahimik lang naman daw ito at hindi nakikialam.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with