^

PSN Showbiz

Anne tumaba sa kakakain!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne tumaba sa kakakain!

Buntis na ba?

Grabe, sa lagay palang ‘yun ay tumaba pa si Anne Curtis ng 15 lbs.

Samantalang nang makita namin siya sa presscon ng pelikulang Sid & Aya kung saan first time niyang naka-team up si Dingdong Dantes, ang payat niya sa paningin namin at parang walang nabago sa perfect na curve and shape ng katawan niya.

Pero sa kanyang Instagram account, balik-gym daw siya para tanggalin ang nadagdag sa kanyang timbang. “Morning! Day 1 back at the gym. After months of purely training for the @londonmarathon, carb loading and eating delicious rice of BATANES (the way they cook it is) every single day... it’s time to drop weight. I gained 15 lbs. I know. Even I’m in shock.

Pero kaya yan! Here weeeeee go!!! ,” ang sabi ni Anne habang nasa gym. Pero hindi puwedeng ma­tsismis na buntis siya dahil sinabi naman niyang hindi pa time para magka-baby sila ng mister na si Erwan Heussaff.

Anyway, showing na sa May 30 ang Sid & Aya nila ni Dingdong na dinirek ni Irene Villamor, na sa trailer pa lang ay nakakaintriga nang panoorin dahil sa ‘not a love story’ na tagline.

Si Direk Irene ang nasa likod ng pelikulang Camp Sawi and Meet me in St. Gallen na parehong napuri dahil sa ganda ng pagkakagawa at kumita sa takilya.

Sexy actress na si sp, kinabuwisitan sa hindi pagbibigay ng tip matapos malibre sa salon

Matapos magpa-hair cut, hair spa, at magpakulay pa ng hair ang sexy actress sa isang salon na puntahan ng mga celebrity, nilayasan nito ang ang mga staff na gumawa sa kanya. As in wala man lang binigay na kahit barya bilang tip sa mga nagpagod na gumawa sa sexy star.

Ayon sa isang nakasabay niya sa nasabing salon, lumayas na lang itong si sexy actress na may initial na SP pagkatapos siyang pagpaguran.

Samantalang, kung susumahin mo raw ang nalibre niya sa nasabing salon, thousands ‘yun at ano ba naman daw ‘yun kung nag-abot man lang siya kahit P100 para pakunsuwelo sa staff na kung paying costumer ang inassist ay tiyak na kumita pa. Pag paying kasi, may commission per head ang mga staff. Eh itong si SP, libre na nga raw ni hindi pa nagawang mag-tip man lang.

Hindi masyadong active ang career ng sexy actress sa kasalukuyan at may negosyong pinagkakaabalahan.

Korina puwede rin sa senado

Bakit hindi si Korina Sanchez ang ilaban ng LP sa senado?

Si Agot Isidro ang hiniritang kumandidato na tiyak na pantapat sa sinasabing kandidatura ni Mocha Uson.

Though may ugong kasi na si former Sen. Mar Roxas ay kakandidato uli bagamat hindi pa lumulutang ang pangalan ng mister ni Ms. Korina sa mga kakandidato.

Sinasabi rin ng isang insider na possible candidate for senator si former president Noynoy Aquino.

Jameson nakabili na ng bagong kotse

Showing na tomorrow ang first movie team up nina Janella Salvador and Jameson Blake, So Connected.

Actually, suwerte si Jameson kung tutuusin. Malayo na ang narating niya since his stint as a housemate in Pinoy Big Brother: 737  in 2015.

Barely three years in showbiz heto at ang dami na niyang achievements at masasabing naiwan na niya ang iba niyang mga kapanabayan.

Currently member siya ng all-male group Hashtags; he is also slated to star in an upcoming primetime teleserye on ABS-CBN at kabi-kabila ang pelikula.

At in all fairness napansin na ang acting niya when he bagged the Best Supporting Actor award in his very first movie, 2 Cool 2 Be 4gotten sa 2016 Cinema One Originals Festival.

In my whole life, I would never expect that would happen,” pag-alala niya nang matanggap ang nasabing award.

At hindi raw niya inaasahan na magiging madali sa kanya ang magka-career.

I think it’s just like a sign na you have the potential, just keep on working on it. I want to expand my craft. I’m game,” he adds.

Sabi pa niya, his showbiz venture also taught him to be a better version of himself. 

“I learned to be sociable, discover my talents. I discovered stuff that I didn’t know I could actually do, getting better at things,” sabi ng 20 years Fil-American actor na first time nakatambal si Janella  sa upcoming Regal Entertainment, Inc. movie So Connected.

May contract siya sa Regal kaya naman sunud-sunod ang project niya sa movie company ng mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde.

 “I’m not complaining. [It’s a] good kind of tiring. I’m working and enjoying it naman,” sabi sabay pasasalamat dahil maayos na niya ngayong natutulungan ang kanyang pamilya.

“It was always my dream to help my family. We went through a rough patch din,” says the breadwinner.

His parents are separated.

Ang kanyang dad is based in Hong Kong working as a tutor, while his mom lives in Angeles City.

“I’m staying with my mom.  I have an older brother and younger sister. I have a stepdad,” sabi niya sa previous interview.

 “Getting this opportunity to work in showbiz helped me a lot in my financial problems,” sabi niya kahit na nga madalas na niyang hindi nakakasama ang pamilya dahil sa rami ng trabaho.

His hard-earned money allowed him to pay his family’s debts, and to help them financially. 

“Mga utang dati like for school. I managed to fix my passport and my siblings’ passport.  Kasi US ang passport namin, we had to get dual citizenship, so I covered that.

“I managed to buy my new car,” he says with a smile. 

Soon, he hopes to build his mom’s dream house.  

Kaya naman kahit anong bashing ang gawin sa kanya hindi na niya pinapansin. Trabaho ang importante sa kanya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

JAMESON BLAKE

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with