^

PSN Showbiz

Showbiz Couple tumibay ang relasyon sa alak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Marami palang pinagkakasunduan at ipinagkakatulad ang isang kontrobersiyal na showbiz couple. Pareho silang parang hindi mabubuhay kapag hindi nasasayaran ng inuming nakalalasing ang kanilang mga lalamunan.

Nasa high school pa lang ang male personality ay ganu’n na siya, walwalero na, nabubulabog ang kanilang mga kapitbahay kapag umuuwi siya nang madaling-araw na at kinakalabog nang malakas ang kanilang gate para makapasok siya.

“Batambata pa siya nu’n, pero talagang tomador na siya. Medyo naging sosyal na lang ang iniinom niya nu’ng mag-artista na siya, may pambili na kasi siya. Pero one time, e, nakatulog siya sa pagmamaneho dahil sa sobrang pagkalasing.

“Nakita na lang ng mga ka-village nila ang white car niya na nakatagilid, buti na lang at hindi natuluyang mahulog, e, may kataasan ang kinatirikan ng sasakyan niya.

“Nakatulog siya sa pagmamaneho. Kinakatok na siya ng mga tumulong sa kanya, pero hindi siya magising! Ganu’n na siya kahit nu’ng bagets pa lang siya, nakatagpo siya ng katapat sa karelasyon niya ngayon.

“Ang mga ex niya kasi, e, hindi naman mahilig uminom, patikim-tikim lang kapag may okasyon, kaya itong latest niya talaga ang sparring partner niya sa pagwawalwal,” mahabang kuwento ng aming source.

Pareho lang sila ng kanyang girlfriend. Malaking problema ito ng kanilang pamilya dahil sobrang makainom. Pero matibay ang katawan nito, nakatumba na ang lahat ng kanyang kawalwalan, pero nakatayo pa rin ang girl.

“Kung saan-saan na ipinadala ng family niya ang babaeng ‘yun para huminto sa pag-inom, pero hanggang sa ibang bansa, ‘yun pa rin ang problema ng mga kamag-anak niya. Mas lumakas pa nga siyang uminom dahil malamig ang klima du’n!

“Nakakaloka ang mga kuwento ng mga friends ng girl. Walang pagkaing laman ang ref niya, puro alak lang, para kapag inaabot siya nang gabi, e, naka-ready na ang mga tutunggain niya!

“’Yun ang dahilan kung bakit sila nagkakasundo, pareho sila ng boyfriend niya na parang hindi makahinga kapag hindi nakakainom, kaya mahirap paghiwalayin ang dalawang ‘yun!

“Super-compatible sila sa hilig nilang gawin, maligaya sila sa ginagawa nila, very happy sila talaga at ‘yun ang bisyong mas nagpapatibay pa sa relasyon nila,” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

Kris biglang inaming hindi ‘totoo’ ang date nila ni Herbert!

Mabuti naman at nilinaw ni Kris Aquino na hindi lang silang dalawa ni Mayor Herbert Bautista ang nakasama niya sa panonood ng sine. Sangdamakmak sila ng kanyang staff sa produksiyong itinayo niya.

Hindi na naman kasi kagandahan ang mga sultada ng kanyang mga bashers, may mga nagsabing para siyang mauubusan ng lalaki, kaya kahit wala naman talagang gusto sa kanya ang mayor ng Kyusi ay nagpapaka-trying hard siya.

Sa isang umpukan naming magkakaibigan ay naging paksa namin si Kris. Ang tanong na aming pinagtuunan ng interes ay meron pa kayang makakarelasyon ang aktres-TV host sa dami na ng seryeng pinasabog niya laban sa kanyang mga dating karelasyon?

Opinyon namin ay meron pa naman. Unang-una ay wala pa naman siya sa listahan ng mga babaeng naghahabol sa huling biyahe ng tren. Bata pa si Kris. Pero isang lalaking may mas mataas na estado kesa sa kanya ang kailangan niyang makarelasyon.

Isang lalaking irerespeto niya ang gusto, isang lalaking puwede siyang paupuin sa isang sulok kung kinakailangan, para hindi siya nasasangkot sa mga kontrobersiya.

Mahirap humanap ng kalapat na takip ang estado ni Kris. Ipinanganak siyang may nakasumpal na gintong kutsara sa bibig, lumaki siya na nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto, nakahiga siya nang literal sa salapi at sikat siya.

Ang pakiramdam kasi ni Kris ay nasa laylayan lang ng kanyang palda ang nakakarelasyon niya. Siya ang nasa itaas, siya ang kailangang tingalain, kaya kung ano ang maisipan niyang gawin ay walang makababawal sa kanya.

Mahirap hanapin ang lalaking rerenda sa kanyang mga kapritso, iilan lang ang lalaking magkakaroon ng boses na makipag-argumento sa kanya, kaya talagang mahihirapang makakita si Kris Aquino ng makakarelasyon niya uli.

vuukle comment

MAYOR HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with