^

PSN Showbiz

Relasyong Sofia at Mavy Legaspi, kinokontra!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Relasyong Sofia at Mavy Legaspi, kinokontra!
Mavy at Sofia

Mukhang sa lungkot na naman mauuwi ang lovelife ni Sofia Andres.

Marami ang ngayon pa lamang ay tumututol sa nagsisimulang relasyon nila ng isa sa kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Mavy Legaspi.

Mas bata raw kasi si Mavy kaysa sa ex ni Diego Loyzaga. At tila smitten nga si Mavy kay Sofia dahil ito ang naglalabas ng mga pictures nila sa socmed. Wala namang weight kung gustuhin man o hindi ng mga fans si Sofia para kay Mavy, ang importante, aprub ba ang mga Legaspi kay Sofia?

Kylie matumal ang acting assignment

Unti-unti nang lumalabas ang kagalingan sa pag-arte ng dating Miss International na si Kylie Versoza. Pansin na pansin siya sa pagiging kontrabida sa pelikulang Kasal ng Star Cinema. Bago ito ay may maikli siyang role sa Ang Panday. Mas maikli ang kanyang role kay Mariel de Leon pero parang mas napansin siya.

Marami ang nagtataka kung bakit kakaunti ang kanyang proyekto. Mukha namang open siya sa mga offer at hindi maarte. Ano ang pumipigil para mas madalas siyang mapanood?

Claudia bibiyaheng mag-isa sa US

Seryoso si Claudia Barretto na sumikat bilang singer kaya nagpasya itong pumunta ng US at mag-training doon ng ilang buwan. Mag-isa lamang siya na aalis, hindi kasama ang inang si Marjorie o ang rich boyfriend na si Basti Lo­renzo. Ang una sanang ginawa ng sis ni Julia ay i-expose si Basti para makilala ito ng mga taga-showbiz. Mas madaling sumikat ang isang nagsisimula sa showbiz kapag may ka-partner siyang sikat din.

vuukle comment

MAVY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with