^

PSN Showbiz

Mariel kailangan pang pumayat ng 15 lbs!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mariel kailangan pang pumayat ng 15 lbs!
Mariel

Pinaghahandaan na ni Mariel Rodriguez ang kanyang pagbabalik sa telebisyon. Matatandaang pansamantalang iniwan ng TV host ang trabaho nang ipagbuntis at ipanganak niya ang panganay nila ni Robin Padilla na si Isabella noong 2016.

Forty pounds na umano ang nabawas sa timbang ni Mariel pagkatapos manganak dahil sa tulong na rin ng Marie France. Fifteen pounds pa ang kailangang mabawas sa timbang ng aktres upang tuluyan nang makabalik sa hosting.  “I’m hoping sana and siguro naman maintindihan na ng mga tao na nagkaroon ako ng baby. Hindi naman ‘yon na kumain lang ako na ginusto ko lang ito,” nakangiting bungad ni Mariel.

Aminado ang aktres na talagang hinahanap-hanap niya ang kabi-kabilang trabaho sa show business. Ngayon ay siguradong maninibago raw si Mariel sa trabaho dahil isa na siyang ina. “Hindi ko pa alam kung paano ko siya i-juggle. Another thing that I’m going to have to learn kasi now I have a baby. Before, the whole time I was just working, ganyan. Definitely it will be (It’s) Showtime. Yes, so Showtime and magbubukas ulit ang bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother), so sana,” paliwanag ni Mariel.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng aktres dahil suportado raw ni Robin ang lahat ng kanyang ginagawa noon pa man. “I wouldn’t be able to do lahat ng ginawa kong iyon kung hindi ako sinuportahan ni Robin. Kasi even during the time na I was super fat, not once na nag-complain siya, not once na ipinaramdam niya sa akin na pangit ako. Alam niya na ginagawa ko lahat ng sacrifice na ‘yon for our baby and he was so proud of me. That really mattered the most,” pagbabahagi ng aktres.

Erik kinakarir ang 15th Anniversary

Bilang selebrasyon ng kanyang ika-labinglimang anibersaryo sa show business ay nakatakdang gumawa si Erik Santos ng isang bagong album. Makakasama ng singer ang ilang OPM icons sa gagawing album sa Star Music. “Actually I will be singing my songs. Kumbaga ‘yung mga nag-hit na songs ko with icons na naging instrumental sa career ko. Like Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual will also be part of it, Yeng Constantino and Moira as well. Then ‘yung iba ay mga original songs,” pagdedetalye ni Erik.

Isang espesyal na concert din ang pinaghahandaan ng Prince of Pop na gaganapin sa September 22 sa Mall of Asia Arena. “Very excited na ako sa concert ko at the same time medyo kinakabahan. Pero more than that, I’m so excited kasi I’m celebrating my 15th year in the business. We are preparing for a beautiful and meaningful concert for all of you,” pagtatapos ni Erik.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with