^

PSN Showbiz

James may pinatunayan sa pagiging singer!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
James may pinatunayan sa pagiging singer!
James

Hindi lang naman ang mga pelikula at concert ni James Reid ang umaarangkada. Pati sa pagkanta ay mukhang dominado niya ang laban.

Swerte naman na kahit dito ay nakakasama pa rin niya ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre. Magkasama silang nagwagi sa 2018 MYX Music Awards, sa kategoryang Best Music Video of the Year, para sa The Life, si James as artist at si Nadine bilang direktor.

Si James din ang tinanghal na winner sa Song of the Year (Cool Down) at Artist of the Year. Kinilala ring magaling na direktor ng music video sina John Prats (Malaya ni Moira dela Torre at Kean Cipriano (Labo ni KZ Tandingan).

Kris at Bistek bumabalik sa dating gawi!

Baka nga naman sina QC Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino ang itinakda ng kapa­laran na magkasama sa buhay. Sa kabila ng pagnanais ng marami na mapaghiwalay sila, heto na naman sila na kung hindi nagpapadalahan ng bulaklak ay nag-uusap at nagdi-date pa.

Maghahanap na naman ng mga dahilan at paraan ang mga tutol sa kanilang relasyon para muli silang pigilan. Hanggang saan kaya papayagan ng dalawa ang mga against sa relasyon nila na diktahan sila?

Jameson ayaw pang mag-girlfriend

May bagong love si Mother Lily Monteverde at ito ay isang myembro ng Hashtags na binigyan niya ng pagkakataon na makapareha si Janella Salvador sa So Connected. Sa labis na pagkagusto sa kanya ng matriarka ng Regal ay binali niya ang ElNella para makinabang si Jameson Blake na mas minahal niya nang mapanood niya ang movie nito.

Isang produkto ng broken family si Jameson na tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya ngayon at nagpapaaral ng kanyang kapatid. Hindi naman siya gaanong hirap dahil sa may suporta pa rin naman sa kanila ang kanyang tunay na ama at nagtutulong sila ng kanyang stepfather sa pagtaguyod ng kanilang pamilya. Single si Jameson dahil hindi pa niya kayang magbigay ng panahon sa iba dahil focused siya sa work at family.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with