^

PSN Showbiz

Darna ni Liza kinatatakutan ng mga entry sa MMFF!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Darna ni Liza kinatatakutan ng mga entry sa MMFF!
Liza

Aktor na mainitin ang ulo, laging nakaumbok ang baong ‘santol’

PIK: Balik-Kapuso ang dating child actor na si Paul Salas pagkatapos niyang lumaki at naging hunk na sa Kapamilya network.

Pagkatapos niyang pumirma sa GMA 7 kamakalawa lang, naalala niya nung sumali pa siya sa Starstruck Kids na naglalaro lang siya sa lobby ng GMA.

Matagal na palang walang drama series si Paul sa ABS-CBN at pawang guesting lang siya kaya naisipan na rin niyang bumalik ng GMA 7 dahil umaasa siyang mabibigyan siya ng magandang project sa network na sinimulan niya.

Sa tulong ng mga tito niyang sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap at Carlo Gonzales, ang PPL Entertainment na ang humawak sa kanya at iyun ang nagdala sa kanya sa network.

Nahirapan din daw si Paul na mag-decide na iwan ang ABS-CBN at bumalik ng GMA 7.

“Parang bahay ko na rin yun eh. ‘Di ba dun na rin ako lumaki sa ABS. Nag-isip talaga ako ng tama.

“Nagsabi na rin sa akin sina Daddy na kung passion mo talaga ang acting, yung gusto mo talaga laging nagtatrabaho na yung acting iba’t ibang role, try naman natin sa iba.”

Natuwa naman si Paul na makakasama na niya sa GMA 7 ang mga dati niyang kasabayan sa Starstruck Kids na sina Miguel Tanfelix at Bea Binene.

PAK: Nagpiyesta ang sangkabadingan nang mag-guest sa isang weekly program ng malaking TV network itong guwapong aktor na kalilipat lang.

Nag-rehearse pa lang doon si guwapong aktor pero tambak na ang mga bading na nanoood. Hindi ang performance ni guwapong aktor ang pinanood ng mga bading kundi ang baong santol ni guwapong aktor.

Hindi raw kasi talaga maitago ang kadakilaan ni guwapong aktor, lalo na’t naka-jogger lang siya roon sa rehearsal.

Naloloka raw sila sa ‘santolan station’ ni aktor na gusto na nilang palitan ang religious name nito sa  Felix Bakat.

Ang nakakatawa lang daw sa mga kabadingang nagnasa na sa pasantol ni aktor, hanggang panonood lang daw sila at walang nangahas na magkuha ng litrato o video.

Natakot daw silang maglabas ng cell phone nila para kunan ito dahil kilala nilang mainitin ang ulo ni aktor, at baka madyombag pa sila!

BOOM: Marami ang nagsasabing ihahabol daw sa Metro Manila Film Fes­tival ang Darna ni Liza Soberano, at iyun ang kinatatakutan ng mga producer na magsusumite ng entry nila sa ngayong taong MMFF.

Pero base sa mga sagot ni direk Erik Matti, mukhang hindi pa ito matatapos ngayong taong ito.

Nagsimula na raw silang mag-shoot, pero mukhang natigil pa si Liza dahil tuluy-tuloy pa rin ang training niya, at ang Bagani.

Ani direk Erik; “Nag-shoot na kami, at nagti-training pa siya.

“Nagsimula na kami tapos mag-resume kami after her bulk of training.

“Ang dami pa kasi talagang preparations eh. Ang set na itatayo, the costumes, ang dami.

“We probably shoot later this year.”

Kaya malabong makahabol ito sa deadline ng submission ng finished films sa September 21.

Kung script naman ang isa-submit, sa May 31 na ang deadline at proud naman si direk Erik na maganda ang kuwento na puwede raw ilaban sa Avengers.        

Hindi naman masagot sa amin ni direk Erik kung balak nga bang isali itong Darna sa MMFF. Pero sa dami ng preparations sabi niya, mukhang mahirapan silang paabutin ito sa deadline.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with