^

PSN Showbiz

Bading na negosyante ‘di makalimutan ang panloloko ng actor at pamilya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang pinagpapawisan nang malamig ang isang gay businessman kapag naaalala nito ang nakaraan nilang relasyon ng isang hunk actor. Kung inipon siguro nito ang naging puhunan sa kanilang relasyon ay buhay-mayaman na ito habambuhay.

Miyembro ng isang grupo ng mga hunk actors ang kanyang nakarelasyon. Lumalim nang lumalim ang pagmamahal ng negosyante sa machong actor.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng una, e, ang hunk actor lang ang pinagkakagastusan niya. Shopping kung shopping sila, ibinili pa niya ng kotse ang guy, talagang kung maglabas siya ng datung nu’n, e, parang gripo ang bulsa at wallet niya!

Siyempre, satisfied naman ang gay businessman dahil sanay na sanay ang lalaki. Malambing siya, lalo na kapag meron siyang kailangan, konting lambutsing lang sa gay negosyante, nasa kanya na ang kailangan niya,” pasakalyeng kuwento ng aming impormante.

Pero nu’ng nakakailang buwan na sila ay pumasok na sa eksena ang pamilya ng hunk actor. Nasa bahay na palagi ng gay businessman ang mommy, mga kapatid at pati ang tiyahin ng hunk actor.

Naloka ang bakla! Nandu’n palagi sa housing authority niya ang family ng loves niya. Kung magpamalengke siya nu’n, e, akala mo merong handaan sa bahay niya sa laki ng ginagastos niya!

E, naglalambing pa ang kunsintidorang mommy ng hunk actor, i-shopping din daw naman sana sila ng kanyang manugang, kaya gora na agad sila sa mga shopping mall!

“Grabe ang gastos ng beki! Buti na lang at malakas ang kita ng negosyo niya, hindi siya masyadong naapektuhan. Hanggang sa du’n na tumira sa house niya ang dalawang kapatid ng hunk actor.

Hanggang sa siya pa ang nagbigay ng placement fee sa sister ng dyowa niya na nagtrabaho sa ibang bansa. Talagang sa kanya na umasa ang buong pamilya ng hunk actor.

Simple lang ang kapalit nu’n, ang pagyakap-yakap sa kanya ng hunk actor kasabay ang pagbulong ng thank you. Hanggang sa magkukulong na sila sa kuwarto at paggising ni gay businessman, e, para siyang kasusuwero pa lang sa sobrang saya!

Hanggang sa madiskubre niya na bukod pala sa kanya, e, may isang gay doctor pa palang dyowa ang boyfriend niya! Hanggang sa nakipaghiwalay na siya dahil napakasakit na ng puso niya, e, masakit pa ang bulsa niya!

Wala ba kayong mga kamay d’yan para mahulaan n’yo kung sino ang hunk actor na nagpahirap sa kalooban at bulsa ng gay businessman?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Lloydie nasikmurang talikuran  ang  mga nagpayaman

Grabe ang lason ng pana ni Kupido na direktang tumama sa pinakagitnang bahagi ng puso ni John Lloyd Cruz. Ibang klase ang ipinakain ni Ellen Adarna sa sikat na aktor na ngayo’y parang gumagawa na ng sarili niyang mundo na malayo sa showbiz.

Puwede palang mangyari ang ganu’n. Isang personalidad na bagets pa ay nasa showbiz na, inalagaan siya at pinuhunanan ng tiwala ng mga taong nag-alaga sa kanya, pero sa isang iglap lang ay puwedeng tumalikod sa mundong nagpabago sa estado ng kanyang buhay pati na ng pamilya niya.

Kaya palang sikmurain ng isang John Lloyd ang basta na lang pagtalikod sa isang kapaligiran na naging buhay at kabuhayan niya sa loob ng ilang dekada. Nakahahanga ang matinding impluwensiya sa kanya ni Ellen Adarna.

Kapag dinukot natin ngayon ang puso ng aktor ay siguradong masakit sa kanyang loob ang mga ipinakikita niyang kawalan na ng interes sa showbiz ngayon. Siguradong laban na laban sa kalooban niya ang pagtalikod sa mundong napakatagal niyang pinakinabangan kapalit ang kanyang talento.

Kung anuman ang gustong palabasin ni JLC ngayon ay mahirap unawain ng kanyang mga tagahanga, ganu’n nga ba naman ang inidolo nilang aktor, bigla na lang tatalikod sa mga taong naging dahilan kung bakit siya nagtagumpay?

Kung sakaling magbago ang ihip ng hangin at gusto na uling magpakaaktibo ni Lloydie sa pag-aartista ay paano kaya ang gagawin niya? Dalawang-kamay pa rin kaya siyang tanggapin ng mundong basta na lang niya tinalikuran sa ngalan ng personal na kaligayahan?

Aabangan natin ang senaryong ‘yan dahil wala namang forever.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with