^

PSN Showbiz

Angeline tutuluyan ng demanda ang fans ni Sarah!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline tutuluyan ng demanda ang fans ni Sarah!
Angeline

Hindi na naaapektuhan si Morisette ng isyu kaugnay sa nangyari kay Sarah Geronimo kamakailan. Matatandaang napaiyak at umalis ang Pop Princess sa stage habang kumakanta sa sariling concert sa Amerika. Nasangkot sina Morisette at Angeline Quinto dahil sa napabalitang pinagtawanan diumano ng dalawa ang nangyari kay Sarah. “Ako for me, hindi ko na iniisip. Nakaka-sad lang po kasi ang daming nainiwala agad doon sa isyu na ‘yon. Parang nag-lie low na rin sa ngayon. In-address naman sa tamang paraan ni Angeline,” nakangiting pahayag ni Morisette.

Sigurado umano ang singer na walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanila ni Angeline kaya hindi na siya dapat magpaapekto sa isyu.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagkakausap nang personal sina Morisette at Sarah. “Kasi wala rin akong personal connection kay Ate like ‘yung phone (number). Pero I would also like to apologize kay Ate kasi for sure sa dami ng naranasan niya noon, nadagdag pa ‘yon,” pagtatapos ni Morisette.

Samantala, ngayon ay iniimbestigahan na ng kampo ni Angeline kung paano at saan nagsimula ang ibinibintang sa kanya. “Ayaw ko na po sanang sabihin ito, pero lahat po kasi ay under investigation lahat. Ang gusto ko lang po talaga ay ‘yung dalawang tao na nag-mention sa nanay ko na may trace at makilala ko sila nang personal, ‘yon lang po sana sa ngayon,” maikling pahahag ni Angeline.

Aga inaalala ang mga ginawa ng ama

Nailibing na noong Martes ng hapon ang mga labi ng ama ni Aga Muhlach na si Cheng Muhlach sa Aeternum Columbary sa Taguig. Namatay si Cheng noong Sabado dahil inatake sa puso at agad na na-cremate ang mga labi noong Linggo.

Nagpapasalamat si Aga sa lahat ng mga kaibigan at kapamilyang nakidalamhati sa kanilang pagluluksa. Nagsilbing inspirasyon ang ama ng aktor kaya napasok sa show business ang mga Muhlach. “My dad his own life, alam naman no’ng 70’s pa ‘yung mga kaibigan niya na gumagawa ng pelikula na kasama niya. Lahat ‘yan hanggang sa pagtanda niya pero sa pagtanda niya wala na siyang ginawa kundi bantayan ang mga anak niya,” kwento ng aktor.

“Papa is just like any father who’s always connected with each and every one of us even if we’re getting old. When I was gaining weight, he called me and told me na, ‘Aga, lose weight.’ When I was kinda retiring he tells me na, ‘Aga go back to work.’ He really loves his children,” pagbabahagi ni Aga.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with