^

PSN Showbiz

Gladys gustong saktan si Maine!

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gladys gustong saktan si Maine!
Gladys at Maine

MANILA, Philippines — Kapag tanungin mo si Barbie Forteza kung kumustang kontrabida si Gladys Reyes, “masakit” ang mabilis niyang sagot.

Magkasama sina Gladys at Barbie sa Inday Will Always Love You na magsisimula na sa May 21 sa GMA Telebabad.

Si Gladys kasi ang kontrabida roon at siya ang tipo ng kontrabida na hindi namemeke nang pananakit.

Kaya nakatikim ng matinding pananakit si Barbie mula kay Gladys.

“Pero ako naman ever since, wala naman akong ginawang personal na pananakit. Kaya so far, hindi naman ako naba-bash,” pakli ni Gladys.

Natutuwa nga si Gladys dahil may nabasa raw siya minsan na comment ng ilang AlDub fans na okay lang daw sa kanila na si Gladys ang magkontrabida. Feeling daw niya aprubado ng AlDub fans kung sakaling si Gladys ang magkontrabida kay Maine Mendoza.

Sa totoo lang, kung sakaling magka-soap si Maine, type ni Gladys na magkontrabida sa phenomenal star.

“Parang feeling ko, meron yata ako go signal sa mga fans ng AlDub. Parang tanggap nila kung ako,” nakangiting pahayag ni Gladys.

Bidang aktres natutulog habang nagbabasa ng script

Hindi raw puwedeng magkaroon ng cut-off ang magaling na aktres na bida sa isang drama series na panghapon.

Gusto raw sana ni aktres na magkaroon siya ng cut-off dahil lagi siyang inuumaga ng uwi.

Pakiusap naman daw ng production staff na huwag muna ngayon dahil halos lahat na sequences ay kasama siya. Madugo ang mga eksenang kinukunan at hindi kakayanin kung magka-cut off pa si bidang aktres.

Kaya tiis-tiis itong si magaling na aktres. ‘Yun nga lang, nag-iiba na raw ang attitude nito at minsan ay sungit-sungitan na pagdating ng madaling araw na kanila namang pinakikisamahan.

Kaya lang minsan naman daw naiinsulto na si direk dahil kapag nag-actors in na sa set para sa reading at rehearsal, lalabas naman daw si aktres pero uupo lang at matutulog.

Naloloka raw ang ibang artista dahil nagbibigay daw ng instruction si direk, tulog naman si bidang aktres.

Anak nina Chito at Neri nagkaroon ng matinding sakit

Ngayon lang nalaman sa social media na may pinagdaanan pala ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig dahil sa pagkakasakit ng kanilang nag-iisang anak na si Miggy.

Pero okay na okay na raw ngayon ang kanilang anak, kaya maganda na ang ipinost ni Chito sa kanyang Instagram account.

Hindi na idinetalye ni Chito sa kanyang post kung ano ang sakit ng kanilang anak. Gusto lang niyang ibahagi sa lahat ang pasasalamat na okay na pagkatapos dumaan sa iba’t ibang tests sa UST, Asian at Cardinal Santos hospital.

Bilang ama, nagpakatatag na lang daw siya sa matinding stress na pinagdaanan nila. Idinaan na lang daw nila sa matinding dasal at pananalig sa Diyos.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with