^

PSN Showbiz

Hunk actor aalog-alog na naman ang bulsa matapos ilaglag ng matrona!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ang muling pag-ariba ng isang hunk actor na tawag nang tawag sa isang Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw) para ihanap siya ng raket.

Dati na siyang imina-match ng mga kasador sa mayayamang gay businessmen, pero pansamantala siyang nagpahinga, hinawakan na kasi siya ng isang milyonaryong matrona.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Ibinahay na kasi siya nu’ng matrona, sunod ang lahat ng layaw niya, pabiyahe-biyahe na lang siya sa iba-ibang bansa. Talagang ibinigay nu’ng matrona ang lahat ng magustuhan niya.

“Kaso, nu’ng magtagal na sila, e, nabuking ng matrona na meron pala siyang girlfriend. Ang mga ibinibigay sa kanya ng matrona, e, ihinahatag niya naman sa babae.

“’Yung mga branded bags na sinasabi niyang pambigay sa mommy niya at mga sisters niya, hindi naman pala du’n napupunta, kundi sa girlfriend niyang non-showbiz. Nabuking ‘yun ng matronix nang mag-check sa family niya.

“E, ni hindi nga raw nila nakita kahit ang anino lang ng mga sinasabing branded bags ng matrona, wala raw silang natanggap, kaya mula nu’n, e, nagduda na ang milyonaryang babae kay hunk actor.

“May drama pa siyang gustong bilhing lupa ng kanyang father para ipasaka sa probinsiya, give naman agad ang matrona ng pambili, pero kahit pala naman lupa sa paso, e, walang nabili ang family niya!

“Binitiwan na siya ng matrona, kumakalog na naman ang bulsa niya ngayon, kaya kailangan niyang maghanap ng raket,” mahabang kuwento ng source.

Panay-panay ang tawag niya ngayon sa mga Boogie Wonderland, nangungulit siya, dahil walang-wala na raw siyang datung ngayon. Wala rin naman siyang trabaho, namimili kasi ng role ang kanyang bulto, kaya totoong waley na ngayon ang hunk actor.

Patuloy ng aming impormante, “Ang nakakaloka pa, e, strike everywhere na raw siya ngayon, hindi na siya mamimili ng magiging client niya, puwede ang kahit sino basta magkadatung lang siya!

“Tamad ang lalaking ‘yun! Puro kasarapan ng buhay lang ang alam niya! Sa laki na ng nahahawakan niyang pera, kahit minsan, e, hindi man lang siya nagkaisip na magnegosyo!

“Napakahilig pa naman niya sa sasakyan, kaya sana, nagtayo ng lang siya ng car shop o kahit carwash na lang! Tamad!” pagtatapos ng a­ming source.

Ubos!

Vice kahanay na ng mga bilyonaryo!

Panahon ngayon ni Vice Ganda. Anumang pagbatikos ang gawin ng kanyang mga bashers ay walang kahit sinong makapipigil sa kanyang popularidad. Kanyang-kanya ang entablado ngayon dito at sa iba-ibang bansa man.

Sa Winnipeg, Manitoba, Canada na lang, ilang araw pa bago ang kanyang concert ay soldout na ang tickets. Marami pang gustong manood pero wala nang makuha, dahil sabik na sabik ang mga kababayan natin sa Winnipeg na mapanood siya nang personal.

Ang mga sumunod niyang concert ay ganu’n din, talagang sinuportahan siya ng mga kababayan natin, SRO ang kanyang mga shows.

Hindi kasi dinadaya ni Vice Ganda ang kanyang audience, ginagastusan niya ang kanyang mga outfit, nagsasama siya ng personal make-up artist at wardrobe consultant niya para maging maayos ang kanyang itsura sa pagharap sa publiko.

Sabi ng aming source, “Hindi lang mil­yonaryo si Vice, bilyonaryo na siya! Sa laki ng ta­lent fee niya sa mga shows abroad, pa­nalung-panalo na siya! Malaki, pero kumikita naman ang mga producers, kaya siya ang kinukuha.

“Malaki rin ang talent fee niya sa It’s Showtime, siya naman kasi ang talagang inaabangan ng mga televiewers, hindi masarap panoorin ang noontime show kapag wala siya,” kuwento ng aming kausap.

Pero marunong humawak ng pananalapi ang sikat na aktor-TV host, meron lang siyang halagang inilalaan para sa kanyang mga granatsa at pang-PR sa mga nagugustuhan niyang boys, matalino sa paghawak ng pera ang bakla!

vuukle comment

BOOGIE WONDERLAND

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with