^

PSN Showbiz

Darna ni Liza gagastusan daw ng p200-m!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Darna ni Liza gagastusan daw ng p200-m!

PIK: Parang hinintay lang pala ni Cheng Muhlach na dumating si Aga Muhlach mula sa shooting niya sa Greenland, saka ito pumanaw.

Pero totoo kayang hindi pa raw alam ni Amalia Fuentes ang nangyari sa kanyang kapatid?

Nag-aalala raw sila na baka hindi makatulong sa kalagayan niya ngayon kapag malaman niyang wala na ang kapatid niyang nag-alaga sa kanya nung inatake ito.

Ang mga labi ni Cheng Muhlach ay nakalagak sa Cha­pels 1 and 2 ng Heritage Memorial Park. Bukas ito for viewing hanggang ngayong araw lang.

PAK: Si Iza Calzado ang isa sa mga celebrity na nanood sa stageplay ng Dulaang UP na Kundiman Party na ginanap sa Palma Hall sa UP.

Kahapon na ang huling palabas ng Kundiman Party kaya ang dami nang nagdagsaan para panoorin itong huling obra ni direk Floy Quintos.

Nasaksihan namin ang tagpo pagkatapos ng palabas na kung saan tinanong si Iza ng dating presidente ng UP na si Emmanuel Soriano, 81 years old at naka-wheelchair na.

Tinanong niya kung ano ang pangalan ni Iza, kaya nagpakilala ang aktres sa kanya.

Sabi niya kay Iza, kamukha raw ng Kapamilya actress ang asawa niyang namayapa na tatlong taon nang nakaraan. Halos hindi na makapagsalita ang matanda, pero may inilabas siya na maliit na container na laman pala nito ay ang abo ng namayapa niyang asawa. Ipinakita niya ito kay Iza, at hindi na napigilan ng aktres na maluha. Paglabas nila, nagpasama pa ang matanda kay Iza palabas ng Palma Hall at nagpa-kiss pa ito bago sila naghiwalay.

Naalala raw ni Iza ang pelikula nila dati ni Dingdong Dantes na Moments of Love.

BOOM: Si direk Erik Matti ang isa sa mga producer ng bagong pelikulang gagawin ng Reality Films ka-partner ang Sunson Group Limited ng Hongkong.

Ito ang pelikulang pagsasamahin ang Mixed Martial Arts athlete at actor sa Hongkong na si Dennis To at ang ONE Championship World Champion na si Brandon Vera, na ididirek ng Chinese at British National action director na si Sean Yim.

Sa contract-signing na ginanap sa Alta The Relik sa San Juan nung kamakalawa ng hapon, dumalo roon si direk Erik, at dumating din si Mother Lily para suportahan ang anak na si Dondon Monteverde.

Tungkol sa Darna ang isa sa mga tinanong namin kay direk Erik at sumingit si Mother Lily Monteverde na nagtanong kung totoo bang P200-M pesos ang budget na inihanda para sa Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Natawa na lang si direk Erik at sinabing hindi naman daw niya alam ‘yun. Tipid na tipid pa rin ang mga sagot ni direk Erik dahil hindi pa raw puwedeng sabihin ang buong detalye tungkol sa malaking film project na ito.

Nag-shoot na kami. Basta in full swing na,” pakli ni direk Erik.

Pero tuloy pa rin daw ang training dahil hindi lang si Liza kundi ang halos lahat na artistang involved sa project ay kailangan ding mag-training.

Ang isa raw sa napagkasunduan nila ni Liza ay gagawin ang mga stunt na walang ka-double.

“Malakas ang loob ni Liza eh. Matapang,” sabi pa ni direk Erik.

Hindi lang daw niya masabi ang iba pang detalye sa pelikula pero malaki raw talaga at ibang-iba ito sa mga nagawang Darna movie.

Dagdag na pahayag ni direk Erik; “The challenge now is to make a super hero film that’s appropriate for all the super hero films that’s been coming out the past decade.

“We’re really coming up with the super hero story. With a lot of heart, with a bit of humor.

“Because di natin ma-afford sa resources, idinaan na lang sa pakenkoy, sa costume okay-okay na lang yan. Comedy naman eh.

“Ito talaga…the challenge is to do a real super hero film.”

vuukle comment

LILY MONTEVERDE

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with