^

PSN Showbiz

Aktor na branded ang mga kagamitan, nirereklamo na ang nakakamatay na baho ng singaw ng katawan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Si Boy Putok. Ganu’n ang tawag ng kanyang mga nakakatrabaho sa isang kilalang male personality. Malayo pa lang siya, ayon sa kanyang mga kapwa artista, ay kinakabog na ng kanyang kakaibang amoy ang giyera sa Mindanao.

Kumikita naman ang male personality, marami naman siyang raket, pero kung bakit parang binabalewala niya ang kanyang personal hygiene ay pinagtatakahan ng kanyang mga kasamahan.

“Ibang klase ang putok niya, tumatawid hanggang sa kunsensiya! Dumidikit ‘yun sa ilong, maligo ka man, e, parang ayaw pa ring matanggal! Ganu’n kagrabe ang bad odor ng lalaking ‘yun!

“Ang nakapagtataka lang, e, marami naman siyang puwedeng gawin, ano ba namang isang araw, e, magpakonsulta siya sa doktor para malaman niya kung ano ang dapat niyang gawin?

“Magkano lang naman ang magagastos niya, ni hindi makababawas ‘yun sa kinikita niya. Pero wala siyang pakialam, talagang deadma siya, kesehodang may mga nagpaparinig na sa kanya!

“Di ba, palagi siyang nakikipagbarilan sa mga eksena niya? Nu’ng minsan, e, nakiusap ang isang kasamahan niyang action star na kung puwede, e, huwag siyang makatabi sa eksena.

“Katwiran nu’ng action star sa isang staff, e, parang awa na raw nila, kasi, kapag magkatabi sila nu’ng male personality sa mga eksenang nakikipagbarilan sila, e, mas nakamamatay ang amoy ng kilikili niya kesa sa baril ng mga kalaban nila!

“Hindi raw niya kinakaya ang alingasaw ng katawan ng male personality, nasusulasok daw siya. Kaya walang eksenang makikitang magkatabi ang action star na nagrereklamo at ang male personality,” mahabang kuwento ng aming source.

Regular naman kung maligo ang lalaking personalidad, branded pa nga ang kanyang mga kagamitan, pero kung bakit ganu’n ang hindi kagandahang amoy ng kanyang katawan ay walang nakakaalam.

Pahabol pa ng aming source, “May mga nagsasabi na hindi naman talaga putok ng kilikili niya ang dahilan nu’n kundi ang mismong singaw na ng katawan niya. Di ba, wala siyang kadala-dala, hanggang ngayon, e, nagbibisyo pa rin siya?

“Singaw na ‘yun ng katawan niya, hindi na basta putok lang, ewan lang natin ngayon sa kinaroroonan niya kung ano ang masasabi ng mga kakosa niya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Baby ni Heart at Chiz hinuhulaang kambal!

Hindi pa man lumalaki ang binhi sa sinapupunan ni Heart Evangelista para sa panganay nila ni Senador Chiz Escudero ay iniintriga na ang kanilang produkto.

Ngayon pa lang ay meron nang mga posts sa social media na pinagkukumpara ang magiging anak nila sa anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Napakaagang intriga.

Ang pagkukumpara ay nag-ugat sa matagal nang hindi pagkakaunawaan nina Heart at Marian, hindi man pinangalanan ni Heart ang mahiwagang babaeng nanugod sa kanya nu’n at nanakot ay bigay na bigay naman na si Marian ang kanyang tinutukoy, wala nang iba.

Mula nu’n ay palagi na silang pinagsasabong, pati ang kanilang mga damit ay ginagawang malaking isyu, sino raw ba sa kanilang dalawa ang mas unang nagkaroon ng branded stuff na ‘yun at kung sino ang nanggaya lang.

Harinawang maging maayos ang pagdadalantao ni Heart, hindi maganda sa isang tulad niya ang stress, tama ang kanyang sinabi na pati ang kanyang trabaho ay babawasan niya para maging maayos ang kanyang pagdadalantao.

Napakagandang regalo para kay Heart Evangelista ang kumpirmado niyang pagbubuntis. Dumating ang magandang balita sa Mother’s Day.

Kumpleto na ang kanyang buhay may-asawa ngayon dahil magkakaroon na sila ng anak ng senador. May lahing kambal ang kanyang mister kaya hindi na nakapagtataka kung magsilang man ng kambal ang aktres sa mga susunod pang pagkakataon.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with