^

PSN Showbiz

Katawan ni Paulo naghahanap na ng pahinga

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Katawan ni Paulo naghahanap na ng pahinga

Isa pa rin si Paulo Avelino sa sobrang dami ng trabaho na nangangarap ding makapag-relax at makapagpahinga, bago pa siya sumabog na tulad ng nangyari kina Sarah Geronimo at Vice Ganda. Bagaman at nagpapasalamat siya dahil nangangahulugan ito ng mabiyayang buhay, naghahanap din ang katawan niya ng pahinga. Tatapusin lamang niya ang serye niyang Asintado sa TV, ang movie niyang Kasal at ang historical film niyang Goyo, Ang Batang Heneral, at pagkatapos ay relaks-relaks muna siya. Gusto niyang samantalahin ang maraming projects na naghihintay ng availability niya pero, ayaw na niya ng sabay-sabay. “Inaalala ko rin ang health ko,” sabi niya.

Vina lungkot na lungkot pag nag-iisa

Pinagtatawanan na lamang ni Vina Morales ang role niya sa latest project niya sa ABS-CBN project na Araw Gabi, comeback vehicle ni JM de Guzman at first lead role ni Barbie Imperial.

Bagaman at marami ang hindi sang-ayon sa ginawa niyang pagtanggap ng role, dahil hindi raw ito bagay sa kanya, challenged na challenged naman siya na gampanan ang role ni Celestina de Alegre dahil kontrabida ito.

Hindi lamang ang kanyang role ang nagbibigay ng excitement sa ina ng 10 taong gulang niyang anak kundi nagagamit pa rin niya ang kanyang singing voice.

Sa movie launch ng Araw Gabi ay pinagbigyan ang kahilingan niyang kantahin ang theme song ng movie na unang pinasikat ni Didith Reyes. Ang boses din niya ang madalas gayahin at i-spoof maski na ng mga kasamahan niyang singer.

“Hindi lang ako napipikon dahil talo ang pikon,” katwiran ng umaamin na hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin siya ng kalungkutan sa kanyang pag-iisa.

vuukle comment

PAULO AVELINO

SARAH GERONIMO

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with