^

PSN Showbiz

Isko pinag-iisipan pa kung tatakbong mayor

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Isko pinag-iisipan pa kung tatakbong mayor
Isko

Ang dami-daming natuwa dahil binalikan ni Isko Moreno ang trabaho niya sa gobyerno na akala ay iiwan na niya nang matalo siya sa kanyang bid para maging senador pero, wala siyang tinanggap ni anumang proyekto sa TV at pelikula. Ang alok ni Pres. Duterte para ma­ging undersecretary ng Department of Social Welfare & Development ay buong puso niyang tinanggap at pinasalamatan dahil alam niyang marami siyang maibibigay para sa kaunlaran nito.

Bago ang pagtanggap niya sa ba­go niyang trabaho, marami ang nag-iisip kung itutuloy niya ang balak niyang  pagtakbo bilang mayor ng Manila sa dara­ting na halalan.

John Lloyd gusto na talagang maging ordinary citizen

Wala na marahil sigurong gagambala pa sa hinihi­ling na katahimikan ni John Lloyd Cruz. Ayon kasi sa report ni Manay Ethel Ramos ay babu na siya sa showbiz at tinatalikuran na niya ang kanyang pag-aartista. Sana walang pagsisisi o panghihinayang siyang maramdaman kapag wala nang pumapansin sa kanya sa gitna ng crowd at wala nang nagpapakuha ng litrato na kasama siya, kumukuha ng litrato niya o humihingi ng autograph niya.

Hindi naman niya masisi ang pubiko, bago ang  “retirement” niya ay popular siyang public figure, isa sa pinakamagaling na artista ng bansa, ngayon he’s just one of us. Sabi naman ni Manay ay mahusay niyang na-invest ang pera niya.

Sunflower naging malaking negosyo

Kung hindi pa dahil sa Maalaala Mo Kaya ay hindi ko pa malalaman na isa na palang mala­king business venture ang pagtatanim ng sunflower. Dapat ay noong una pang dina­dayo ito sa UP ay naisip ko nang maganda pala itong tourist attraction at nawala man ito sa UP makakakita pa rin ng maraming sunflower farms sa iba’t ibang dako ng bansa. Tulad ng Sunshine Sunflower farms sa Tiaong, Quezon na itinatagu­yod ng mga PWDs at ginagawang pang­kabuhayan.

Ineksiyon sa kagat ng aso halos P20,000

Wala bang libreng ineksyon sa kagat ng aso ang marami nating klinika at ospital? Nakagat ng aso ang isa kong apo at bukod sa dalawang ineksyon na pang anti-tetanus at anti-rabies na libreng ibinigay sa kanya ay mayro’n pang bagong ineksyon na kailangan niyang bilhin, yes it’s for sale, at sa St. Luke’s QC na kung saan ay pumunta ang nakagat ng aso ay nagkakahalaga ito ng P18,000. Bagong advice raw ito ng WHO na kailangan para sa nakakagat ng aso pero, hindi ibinigay sa ina ng batang unang nakagat ng aso dahil nga sa pagiging bago ng gamot.

Kung walang P18,000, anong mangyayari sa nakagat ng aso? Hindi ba masyadong mahal ito para makaya ng ordinaryong pamilya?

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with