^

PSN Showbiz

Kim magpapahinga muna!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kim magpapahinga muna!

Sa Canada ang punta

Isa na marahil si Kim Chiu sa pinakamasipag na artista ngayon. Kung titingnan mo siya ay parang naghahabol palagi siya ng panahon sa rami ng ginagawa niya at gusto niyang gawin. Hindi pa natatagalang natapos ang serye niyang Ikaw Lang Ang Iibigin, ang pelikulang Da One That Ghost Away ang isinunod niya. Walang reklamo kahit bago ang kapareha niyang si Ryan Bang at horror ang movie na ibang iba sa nauuso ngayong romcom, and yet it made money at the tills.

Kahit pa sa ikalawang linggo ng pagpapalabas nito ay tinapatan ito ng isang napaka-laking foreign film, swerte ni Kim at lumaban ng sabayan ang DOTGA. Kasabay ng pagpapalabas ng hit horror film niya ay paghu-host niya ng It’s Showtime at pag-perform sa ASAP. Nakapagtataka bang mapagod siya?

Kaya naman magbabakasyon muna siya ng Ca­nada para dalawin ang isa niyang brother dun. Pagbabalik niya ay sabak na naman siya sa trabaho.

Kim admits na ang compliment na ibinigay sa kanya ni DU30 nang magkasabay sila sa isang event ang pinakamalaking papuri na kanyang tinanggap, lalo pa’t idol niya ang presidente at sinuportahan nung eleksyon. It inspires her to work even harder. At the same time, inaalagaan niya ng mabuti ang sarili niya. Nagpapahinga siya, inaalagaan ang sarili sa masusustansyang pagkain at bitamina. Ang sasakyan nga niya ay ginawa na niyang parang isang kwarto sa bahay niya na kung saan ay maginhawa siyang nakakapagpahinga sa pagitan ng kanyang trabaho. She rests as hard as she works.

Bea lutang pa ang lungkot sa hiwalayan nila ni Gerald!

Sa kabila ng break-up nila ni Gerald Anderson ay nagawang tapusin ni Bea Alonzo ang Kasal, ang pelikulang pang-25th anniversary presentation ng Star Cinema. Surprisingly, walang nagtanong tungkol dito sa aktres na bagaman at napakaganda ay obvious na may dinadala dahil sa malungkot niyang kaanyuan. Nakatulong sa kanyang dinadala ang pagtawag sa kanya ng The New Movie Queen of the New Generation na unang ibinigay sa kanya ni Susan Roces at ngayon ay tanggap na rin ng lahat.

Hindi isang remake ang Kasal na unang naging titulo ng  pelikula nina Laurice Guillen at Jay Ilagan.

Ang character ni Bea ang ikakasal kay Paulo Avelino. At sa napipintong kasal nila haharapin ni Bea ang lahat niyang pagsubok. Si Derek Ramsay ang  magbibigay ng kumplikasyon sa istorya na idinirek ni Ruel S. Bayani.

Palabas ang Kasal sa May 26.

Vitto type rin maging director, pulitiko at basketbolista

Isa pang Hashtag ang magtatangkang gumawa ng pangalan sa larangan ng pag-aartista. Siya si Vitto Marquez, anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Hindi ang pagiging dancer ang unang inam­bis­yon ng 22 taong gulang na baguhan na isa sa limang bida ngayon ng barkada movie na Squad Goals. Bukod sa pagsasayaw at pag-aartista, gusto rin niyang maging writer, direktor, pulitiko, flight attendant  at basketbolista. Whewwwwwww...

Palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Squad Goals.

vuukle comment

IKAW LANG ANG IIBIGIN

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with