^

PSN Showbiz

Young actor puro kaguwapuhan lang, bobo sa aktingan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kuwento tungkol sa isang guwapong young actor na hindi pa man sumisikad ang career ay nagpalutang na agad ng kaa­ngasan. Guwapo naman siya, pero kung talent ang pag-uusapan ay manghihiram siya kundi man mangungutang sa mga kasamahan niyang kabataang aktor.

?Hindi puwedeng mukha lang ang puhunan ng artista, kailangang may kakambal ‘yun na talento, puwedeng sa pagkanta, pag-arte o pagsayaw.

?Kuwento ng aming source, “Sorry na lang, pero face lang talaga ang panlaban niya. Panalo siya sa itsura, pero kumustahin n’yo naman ang talent niya, waley!

?“Puwede siyang isama sa ibang artista sa mga eksena, pero ang role niya dapat, e, pipi siya! Tama! Kaila­ngang pipi ang gagampanan niyang papel, kasi nga, kapag nag-dialogue na siya, e, siguradong sablay siya!

?“Nakakaloka! Pilipit ang dila niya, puro buckle siya, kaya nagtatagal ang isang napakasimpleng eksena lang naman. Tume-take 10 siya, walang halong dagdag sa kuwento,” madiing kuwento ng aming impormante.

?At sa kabila ng kahinaan niya sa pag-arte at pagbibitiw ng mga linya ay may lakas pa siya ng loob na magsabi sa produksiyon na kailangan siyang pakawalan nang maaga mula sa shooting dahil may raket pa raw siya.

?“’Yun na! Natural, tumaas ang presyon ng direktor niya, naloka rin ang production staff, dahil limitado na nga ang talent niya, e, may ganu’ng drama pa siya!

?“Nagpapa-release pa siya nang maaga, e, halos wala ngang natapos na sequence, dahil siya ang cause of delay! Kung ang mga artista ngang sikat na at may talent talaga sa acting, e, hindi umaasta ng ganu’n, siya pa bang walang alam sa pag-arte ang magpapa-release nang maaga dahil may raket daw siya?

?“Aysus! Mag-aral muna sana siyang umarte para makapag-demand siya, ‘no! Nag-workshop na pala siya nang ilang beses, pero waley pa rin, kaya bumalik dapat siya sa grade one para may ilabas naman siyang talent!

?“Raket-raket siya d’yan! Alam niya naman ang capacity niya, ang lakas-lakas pa ng loob niyang magpa-excuse nang maaga dahil may raket pa raw siya?

?“Sayang naman ang itsura niya kung ganyan lang ang alam niya! Hindi na nga bloke-bloke ang mga linyang ibinibigay sa kanya, hindi pa niya magawa?” nakataas pa ang kilay na kuwento ng aming source.

?Ubos!

Kapamilya give up na sa career ni John Lloyd

Napakahabang panahon ang ibinigay ng ABS-CBN at ng Star Magic kay John Lloyd Cruz para makapagmuni-muni at makapagdesisyon. Nang mas bigyan ng timbang ng magaling na aktor ang kanilang relasyon ni Ellen Adarna  ay hindi siya agad hinusgahan ng network.

?Sa halip ay binigyan siya ng panahong pag-isipang mabuti ang kanyang prayoridad, alin ba ang mas mahalaga para sa kanya, ang maganda niyang career o ang pakikipagrelasyon sa sexy star?

?Ayon sa aming source, “Nu’ng mahabang panahon na ang lumilipas na wala man lang word from John Lloyd na tinatanggap ang network, ang Star Magic na ang tumawag kay Lloydie.

?“Pero hindi niya sinasagot ang mga calls. Tine-text din siya, pero wala pa rin siyang reply, talagang pinutol niya ang communication sa mga taong dapat, e, unang nakaalam kung ano talaga ang plano niya sa buhay at career niya,” paliwanag ng aming source.

?Hindi na siguro kulang ang mahabang pisi ng pasensiyang pinairal ng network para kay John Lloyd. Binigyan na siya nang sapat na panahon, sa palugit na ibinigay sa kanya ng Star Magic ay nakapagdesisyon na dapat siya, pero walang anumang salitang tinatanggap ang mga nag-aalaga sa kanyang career.

?Kung talagang wala na siyang planong bumalik ay matatanggap naman ‘yun ng kanyang network, isang masinsinang pag-uusap lang naman ang kailangang mamagitan sa kanila, pagkatapos nu’n ay malayang-malaya na siyang gawin kung ano ang gusto niyang makapagpapasaya sa kanya.

?Sa isyu ng personal na kaligayahan ay wala namang kumukuwestiyon kay Lloydie, kung talagang ang pagpapamilya na katuwang si Ellen Adarna ang kanyang prayoridad ay malaya niyang magagawa ‘yun, pero sa anumang hakbang na gagawin ng kahit sinong personalidad ay kailangang magpaalam siya nang maayos at marespeto sa mga taong hu­mahawak sa kanyang karera.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with