^

PSN Showbiz

Kailangang i-cure, serye nina Tom at Jennylyn iniklian na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kailangang i-cure, serye nina Tom at Jennylyn iniklian na!
Jennylyn

PIK: Mabuti na lang at si Eric Quizon ang nagdirek ng pelikulang My 2 Mommies na magsu-showing na ngayong araw.

Ibang direktor kasi ang unang kina­usap para idirek ito, pero naningil ng na­pakataas kaya hindi na siya tinuloy.

Mas bumagay kay Eric dahil siya rin ang direktor noon ng Pusong Mamon na parang My 2 Mommies din ang dating.

Kuwela ang naturang pelikula at so far, ito ang pinakamasaya at naka­katawang comedy film ni Paolo Ballesteros.

Parang hindi na nga umaarte dun si Paolo eh. Ang isa pang nakaka­tuwa ay bagay pala silang magdyowa ni Joem Bascon. Nakikita sa pelikula na kumpor­table sila sa isa’t isa.

Pero ang isa pang revelation dun ay ang batang si Marcus Cabais na gumaganap na anak nina Paolo at Solenn Heussaff.

First movie iyun ng 8-year old child actor at natutuwa siya dahil very proud daw ang mga magulang niya sa kanya.

“They said I was very good and they’re proud of me,” pakli ni Marcus.

Kaya malamang na masundan pa si Marcus ng marami pang projects at programa sa TV.

PAK: Pormal nang in-announce ng FDCP Chairperson ang mga finalist ng Sinesaysay Documentary Film Lab and Showcase kamakalawa ng hapon sa Max’s Restaurant.

Sa tulong ng National Historical Commission of the Philippines nabuo nila ang proyektong ito para makapagtuklas ng mga bagong sibol na filmma­kers at mabig­yan na rin ng atensyon ang mga documentary films na hindi naman napapansin dito sa atin.

Sabi nga ng FDCP Chair Liza Diño; “First time na magbigay ng production grant, and siyempre ang pinakamagandang unang hatid namin sa production diyan ay ang documentary support kasi talagang underserved sila.

“Hindi sila masyadong nabigyan ng opportunity para makahanap ng fundings. Hindi katulad ng feature films na may anim tayong local film festivals na talagang taun-taon nagbibigay ng funding sa mga feature films. Pero ito wala talaga masyado sa documentary.”

Itong mga napiling material para sa documentary films ay magiging bahagi na sa susunod na taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Bukod na nga sa Sinesaysay, pinagkaabalahan din ni Liza ang Pista ng Pelikulang Pilipino na magi­ging bahagi sa selebrasyon ng Buwan ng Wika sa August 2018.

Sabi nga ni Ice Seguerra, malabo pa raw na ma­asikaso nila ang magkaroon ng baby sa para­ang Invitro Fertilization dahil sa sobrang busy ni Liza. Kaya pinag-iisipan na raw nilang mag-adopt ng baby.

Gusto na rin daw kasi nilang tuparin ang hiling ni Mom­my Caring na magkaroon ng apo mula sa kanilang dalawa.

“I would want to fulfill na rin ang request ni Mama Caring sa amin na gusto niya talagang you know…maka-experience na may anak si Ice at sa akin,”  pakli ni Liza. Kaya sana ipag-adya na raw ng Panginoong magka-baby sila.

BOOM: Maganda naman ang feedback sa bagong seryeng The Cure ng GMA Telebabad pero naiintriga na iniiklian na raw ito.

Ayaw naman namin maniwalang tinitipid ito, at pinapabawasan na raw ng big scenes.

May mga ilang suggestions lang daw para lalong mapaganda ang serye.

Mag-iisang linggo pa lang naman ang naturang serye kaya napakaaga pa para husgahan.

Kung kinakailangang i-cure, gagawin nila ang tamang cure sa The Cure.

Marami pa raw aabangang matitinding eksena sa seryeng ito nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, kaya lalo pang dini-develop ang kuwento para tutukan ng lahat.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with