^

PSN Showbiz

Misis na pinagdamutan ng dating karelasyon, lumigaya nang magmahal ng iba

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madaling intindihin kung bakit sobra-sobra ang saya ng isang kilalang female personality kapag nasa labas siya. ‘Yun kasi ang klase ng buhay na na-miss niya. Matagal siyang pinagdamutan ng pagkakataong lumabas ng bahay.

?Ilang taon din siyang nasa bahay lang kasama ang kanyang anak. Bantay-sarado ng kanyang karelasyon ang mga galaw niya. Pupunta lang siya sa parlor ay pahirapan pa ang paalaman, payagan man siya ay bilang ang kanyang oras sa labas, para siyang bilanggo.

?Kuwento ng aming kausap, “Takot na takot kasi ang karelasyon niyang pamilyado na sa controversy, ayaw na ayaw niya sa ganu’n, kaya wala siyang freedom na lumabas ng bahay.

?“Lalong hindi siya puwedeng mag-party, maraming tao du’n, kaya siguradong may mga magtatanong sa kanya kung kumusta na siya? Natural, mapag-uusapan ang tatay ng anak niya, ayaw na ayaw mangyari ‘yun ng male personality.

?“So, ilang years na ganu’n lang ang takbo ng buhay niya, nasa bahay lang talaga siya, buryong na buryong na siya sa routine niya everyday, pero wala siyang magawa,” kuwento ng aming source.

?Ngayong hiwalay na sila at may bago nang karelasyon ang female personality ay nakikipaghabulan siya sa mga panahong nawala sa kanya. Palagi siyang bumibiyahe ngayon kasama ang kanyang anak at mister.

?“Sinasamantala niya ang pagkakataon, halos kalahati kasi ng buhay niya, e, inilaan lang niya sa gustong mangyari ng karelasyon niya dati. Kitang-kita ang happiness niya ngayon, malaya na kasi siya, hindi na siya guwardiyado, wala mang mga rehas sa bahay niya nu’n, e, parang nakakulong pa rin siya.

?“May freedom na siyang magpunta ngayon sa kung saan niya gusto, pati ang family niya, e, nadadalaw na rin niya anytime, unlike before na makasama man niya ang pamilya niya, e, bilang na bilang ang oras niya.

?“Ganu’n nga kahigpit ang karelasyon niyang male personality, matindi pala ang insecurity ng taong ‘yun, kahit ang laki-laki na ng name niya? Takot din siya sa kontrobersiya, ayaw niyang nakakaladkad ang personal life niya!

?“Kabaligtaran naman ‘yun ng mga ginagawa niya sa pelikula, di ba? Magaling siya sa barilan, kayang-kaya niyang tumalon sa matataas na building, pero sa totoong buhay pala, e, ganu’n siya ka-private?” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Sarah ramdam na gusto nang mag-retire?!

Kung maraming nakikisimpatya sa buhay na meron si Sarah Geronimo ngayon na nasa kanya na ang lahat pero pa­kiramdam ng singer-actress ay hungkag pa rin ang kanyang puso ay meron ding mga kababayan natin na nagbibigay ng kakaibang interpretasyon.

?Sa nangyari sa kanyang concert sa Las Vegas na bumigay ang singer-actress dahil sa mga bitbit niyang emosyon ay nakuha ni Sarah ang pakikisimpatya ng ating mga kababayan.

?Ang nalagay tuloy sa alanganin ay ang kanyang mga magulang, lalo na si Mommy Divine, na kilalang-kilala sa pagiging mahigpit kay Sarah sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

?Pero kakaiba ang pananaw ni SOS, ang kaibigan naming silent critic ng mga perso­nalidad, ganito ang kanyang komento sa ipinakitang emosyon ni Sarah.

?“Sobrang disappointed po kami kay Sarah. All along, akala namin, e, strong woman siya. Totoo po na maraming sikat at mayaman na hindi masaya, pero nasa right attitude pa rin po ‘yun.

?“Dapat po, e, hindi siya nagdu-dwell sa negative. Count her blessings na lang sana at gawin niyang motivation ang napakaraming taong napapasaya niya. In the first place po, e, bilang entertainer ang trabaho niya.

?“Paano po kung bawiin sa kanya ng Diyos ang lahat ng blessings niya, tutal naman pala, e, hindi siya masaya sa fame and fortune na meron siya? Feeling empty pa rin pala siya despite everything?

?“Kahit po malaking factor kung bakit hindi siya masaya, e, dahil sa paghihigpit ng mga magulang niya, still, life is what we make it. Siya pa rin ang magde-decide kung saan siya magiging masaya.

?“Kung hindi pala siya masaya sa buhay niya ngayon, e, di mag-quit na lang siya sa showbiz, hindi po kasi maganda para sa amin ang message na ipinararating niya sa publiko.

?“Dapat, e, thankful, grateful at contented tayo sa mga blessings na tinatanggap natin,” mahabang pag-aanalisa ni SOS tungkol kay Sarah Geronimo.

?Maraming salamat.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with