^

PSN Showbiz

Janine ‘di mailantad ni Alden

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Janine �di mailantad ni Alden
Janine

Hanggang ngayon ay tahimik lamang ang mga taga Kapuso Network kung sino ang bagong makakapareha ni Alden Richards sa bago nitong sisimulang major TV series na kung saan din kasama ang bagong Kapuso actor na si John Estrada. Ito ay kahit lumulutang ang pangalan ni Janine Gutierrez.

Kung hindi kami nagkakamali, ang nasabing  bagong TV series ni Alden (minus Maine Mendoza) ay kasama rin ang actor-director na si Eric Quizon. Hindi nga lamang malinaw kung bilang actor o director.

Umaasa si Alden na kahit hindi ang kanyang perennial screen partner na si Maine ang kanyang  kapareha at katrabaho ay suportahan pa rin ang kanyang upco­ming TV series with GMA.

Michela manganganak na

Ipinagbubuntis ngayon ng Italian live-in partner ng cager na si James Yap na si Michela Cazzola ang kanilang magiging second baby na nakatakdang isilang sometime next month. Ang mag-partner ay may isa nang anak, ang more than one year old na si Michael James (MJ).

Si Michela na nagtapos ng abogasya sa Italy ay nagta-trabaho bilang Secretarial Specialist ng Asian Development Bank (ADB) in Ortigas Center, Pasig City kaya naroon ito nang dumalo si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa ika-51st summit ng ADB kamakailan lang at nagpa-selfie pa ang partner ni James Yap kay Pangulong Duterte.

Bago si Michela, nagtrabaho rin sa ADB ang kanyang Italian father.

Divine Lee iniluwal na ang panganay

Last May 5 ay nagsilang via Caesarian section ng isang baby boy ang model-entrepreneur, TV host at blogger na si Divine Lee ng kanyang first baby courtesy of her businessman husband na si Blake Go.

Bago nakilala ni Divine si Blake ay na­ging boyfriend niya noon ang model-actor na si Victor Basa.

Sina Divine at Blake ay ikinasal nung August 5, 2017 sa Basilica del Santo Niño in Cebu kung saan ngayon naka-base ang mag-asawa.

Gary V., nakaraos na sa operasyon

Matagumpay ang emergency bypass operation ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano last Sunday (May 6) ng umaga at kasalukuyan na itong nagpapagaling sa isang kilalang paga­mutan in Metro Manila.

Habang nagpapagaling, hindi muna mapapanood  si Gary V. as one of the judges ng Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime, maging ang pagiging isa sa mga hurado ng bagong simulang Your Face Sounds Familiar Kids kung saan niya kasama sina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid hosted by Billy Crawford na mister na ngayon ng young star na si Coleen Garcia. Ganundin sa ASAP at ma­ging sa upcoming birthday concert ni Darren Espanto sa KIA Theater on May 26, ang Unstoppable to be directed by Gary V.’s el­dest son na si Paolo Valenciano at iba pa niyang mga advance commitments.

Pamangkin ni Maxene kapiling na ng Master Rapper

Twins ang isinilang ng nakababatang kapatid ni Maxene Magalona na si Saab Magalona-Bacarro sa mister nitong si Jim Bacarro last February 8, 2018, isang boy and girl pero sa kasamaang palad ay patay na nang isinilang ni Saab ang baby girl, habang nalagay din sa ciritical na kundisyon ng twin brother na si Pancho na nanatili sa Neonatal Intensive Care Unit ng ilang linggo. Pero ang magandang balita, magaling na si Baby Pancho at kapiling na siya ngayon ng kanyang parents na sina Saab at Jim.

Naniniwala si Saab na kapiling na ng kanyang namayapang ama, ang Master Rapper na si Francis Magalona (who cele­brated his 9th death anniversary last March 6) ang kanyang baby girl in heaven maging ng grandparents ni Saab na sina Pancho Magalona at Tita Duran.

Kung nabuhay ang twin sister ni Baby Pancho, dala­wa na sana ang apo ni Pia Arroyo-Magalona at ng kanyang namayapang mister na si Kiko (Francis) at pamangkin ng magkakapatid na Unna, Maxene, Frank, Elmo, Arkin, Clara at Nicolo.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with