^

PSN Showbiz

Famas hinihingan ng paliwanag sa litanya ni Vice!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Famas hinihingan ng paliwanag sa litanya ni Vice!
Vice Ganda

PIK: Dahil sa pagpatol ni Vice Ganda sa komento kong si Vic Sotto muna ang dapat ang unang gawaran ng Dolphy Lifetime Achievement Award, nagkakalkalan na ngayon kung sino ba ang namili ng recipient para sa naturang special award.

Sabi ng Head ng Jury ng FAMAS na si Ricky Lee, “Jury head lang ako nung sections sa full-length feature, documentary at short films, at kasali ako sa committee na pumili kay Lav Diaz para sa lifetime achievement award niya.

“Ibang FAMAS committee ang pumili ng para sa Dolphy award. Hindi ako kasama dun.”

Sabi naman ng Presidente ng FAMAS na si Francia C. Conrado, “Other than the fact that Vice Ganda deserves this special award, Vice is the personal choice of the family of the late King of Comedy.”

Nasa Hongkong lang si direk Eric Quizon pero susubukan daw niyang dumalo sa premiere night ng My 2 Mommies na magsu-showing na bukas.

Mas mabuting sa kanya manggaling kung pa­ano ba talaga ang pilian ng na­turang special award.

Maging malinaw lang sana kung ano ang bata­yan para na rin sa mga susunod pang reci­pients na gagawaran ng naturang special award.

PAK: Tuwang-tuwa si Gladys Reyes pagkatapos niyang sumali sa Worldwide Walk to Fight Poverty na inorganisa ng Iglesia ni Cristo nung nakaraang Linggo ng umaga.

Kahit pagod na pagod at kulang sa tulog, masayang-masaya raw siya dahil maganda raw ang kinalabasan ng naturang walk na naka-break ng record sa Guiness Book of World Records.

Hindi pa naman nailabas ang official announcement mula sa Guiness Records, pero na-break daw nito ang dating record bilang Largest charity walk in both single-and multiple-venue categories.

Sabi ni Gladys, mga taga-INC ang bumuo nito pero open naman daw iyun sa lahat kahit ibang religious sector.

“Na-break po namin ang record at through church offerings, nakapagpadala ng tulong most especially sa Africa,” pakli ni Gladys.

Gusto lang daw nilang makapaghatid ng tulong sa mga mahihirap na tao sa Africa kahit hindi naman sila miyembro ng INC.

BOOM: Pawang prayers ang hinihingi ng mga kilalang singers para sa agarang paggaling ni Gary Valenciano.

Sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at Ogie Alcasid ang ilan lamang sa nagpu-post ng suporta at dagdag na dasal para sa Mr. Pure Energy.

Bago dumaan sa open heart surgery si Gary, naglabas naman siya ng statement tungkol sa kalagayan niya at idinetalye niya ang dahilan kung bakit kailangan siyang operahan.

Kaya kailangan niyang ope­rahan at naisantabi na muna ang mga regular shows niya sa ABS-CBN 2 at iba pang guestings sa concert kagaya ng kay Darren Espanto.

Kaya naglabas si Gary ng ganung statement para walang speculations na maglabasan kaugnay sa kanyang kalagayan.

Ang hangad lang ng lahat na walang mababago sa ener­gy ni Gary V. kapag bumalik na siya uli sa pagpi-perform.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with