^

PSN Showbiz

Cyber bullying sa mga artista, lumalala pa!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napaka-cruel din ng maraming fans, noh? Nagagawa na nilang inisin ang mga artista, with the least provocation. ‘Yun nga lang hindi sila ang nalalagay sa alanganin kundi ang maraming artista na napipikon nila.

Matapos magwala sa galit ni Kris Aquino ma­ka­tapos silang ibash ni Bimby Yap sa socmed, at may mga nadamay pang iba, ay si Arci Muñoz naman ang nagpupuyos sa galit dahil pinipintasan ang pag-arte niya sa Since I Found You. Ayun, minura ang mga bashers niya, syempre siya ang magdurusa sa ginawa niya, hindi ang mga basher.

Nakatikim din ng lupit sa socmed si Angeline Quinto na napagbintangang pinagtawanan ang ginawang pag-iyak to death ni Sarah Geronimo sa isa sa mga concerts nito sa abroad. Kung sina Sarah at Angeline ay nagka-ayos na, ang mga basher nakabingit pa rin sa balag ng demanda. Tsk. Tsk. Tsk.

Kiko may gustong patunayan kaya ‘nakipagrelasyon’ kay Sunshine!

Pressure talaga para sa anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz na si Kiko Estrada ang pagiging mga artista ng mga kamag-anak niya on both sides of his parents na mga Ejercito at Diaz. Pero, sa mahigit na anim na taon niyang pag-aartista ay maipagmamalaki niyang nakagawa na siya ng tatak bilang artista.

Tanggap na siyang bahagi ng isang angkan ng mga magagaling na artista, having been bestowed  an Outstanding New Best Actor On World Class Excellence Japan Awards in 2017 para sa isang serye na ginawa niya sa GMA. Dapat ay ecstatic siya sa nasabing pagkilala pero, hindi award at kasikatan ang habol niya sa kanyang trabaho, hindi rin pera dahil sinabi niyang kaya ng pamilya niya siyang buhayin, mga magaganda at challenging roles ang inaasahan niyang magiging resulta ng ginawang pagkilala sa kanyang pag-arte.

“Ayaw ko namang maging sikat. Gusto ko lang makilala bilang isang mahusay na artista para ma­ipagmalaki rin ako ng mga sikat na kamag-anak ko,” pahayag niya.

To show his versatility tinanggap niya ang role bilang lover ni Sunshine Cruz sa My Stepmo­ther’s Lover. Kasama rin siya sa barkada movie na Walwal. Bukod dito mas madalas siyang mapapanood sa TV tuwing umaga, bago mag-Eat Bulaga, sa seryeng My Guitar Princess bilang third wheel nina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva.

Andrew malaki ang pasasalamat sa apelyido

Isa pang Muhlach ang nagpapakilala bilang artista. Siya si Andrew Muhlach, isa pang ka­patid nina Aga, Arlene, Almira at AJ, pamangkin ni Amalia Fuentes, pinsan ni Niño at anak nitong si Alonzo.

Nasa cast ng #SquadGoals ang pinaka-huling nag-aartistang Muhlach na malaki ang pasasalamat sa apelyido niya dahil madali siyang nakapasok bilang artista. Pero dito lang madali ang pagiging Muhlach niya.

Bilang artista, mahirap ang pagdaraanan niya, marami siyang kailangang patunayan para maging karapat-dapat sa kanyang apelyido. Unang mala­king problema ay ang pagsasabay ng kanyang pag-aaral at pag-aartista. Tumigil nga siya pansamantala sa kurso niyang entrepreneurship sa San Beda.

Nasa ikatlong taon na siya pero, sa susunod na semester ay babalik siya. Tulad ng pinsan niyang si Luigi Muhlach, anak nina Aga at Janice de Belen, balak niyang magkaroon din ng isang restaurant.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with