^

PSN Showbiz

Nasaktan ng sobra sa ex, Sofia hindi na kayang maging kaibigan kay Diego

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nasaktan ng sobra sa ex, Sofia hindi na kayang maging kaibigan kay Diego

Hindi man nagkaroon ng pag-amin noon ay nagkahiwalay na diumano bilang magkasintahan sina Sofia Andres at Diego Loyzaga. Sa ngayon ay civil na lamang ang dalawa. “Civil lang po kami. Okay po kami nang separate. Mas okay po sa amin. Kasi ‘pag magkasama kami, l­aging nagka-clash po kami, better na (magkahiwalay),” makahulugang bungad ni Sofia.

Ayon sa dalaga ay napakadali niyang naka-move on mula sa hiwalayan nila ng aktor. “Ang okay naman din sa akin, mabilis akong mag-move on. Ang ginagawa ko na lang, ina-avoid ko po ‘yung tao, kahit po ‘yung mga connected sa kanya. Wala ring social media hangga’t maaari. Kasi dati po, lagi akong naka-social media, so nakikita ko rin. Honestly ngayon, hindi kami friends kahit sa Instagram and Twitter,” pagbabahagi ni Sofia.

Maraming mga bagay ang natutunan ng aktres mula sa naging relasyon nila ni Diego. “Don’t force it. I mean, dadating po kasi ‘yon eh. Siguro, ‘yung sa amin minadali namin. Saka ‘pag may mga advice, kailangan nakikinig. Kasi minsan, inuuna ‘yung nararamdaman kesa do’n sa kung ano ‘yung nakikita,” nakangiting pahayag ni Sofia.

Aminado ang dalaga na posibleng hindi manumbalik ang pagiging magkaibigan nila ng binata. “Not this time po. Iba po kasi talaga siguro kapag nasaktan namin ‘yung isa’t isa nang sobra. Hindi na po namin alam kung paano magiging okay ulit,” giit ni Sofia.

 Matatandaang si Inigo Pascual muna ang naging kasintahan ng aktres bago pa nakarelasyon si Diego. “Si Inigo sobrang bait talaga. Hindi kami nagka-clash. Never kaming nag-away ni Inigo, never po talaga. Mabait po ‘yon. Kaya lang kasi bata pa po kasi kami noon eh. We’re friends pa rin ngayon at ‘yon ‘yung maganda,” kwento pa ng aktres.

Edward at Maymay hindi na lang basta magkaibigan ang turingan!

Mahigit sa isang magkaibigan ang turingan nina Maymay Entrata at Edward Barber. Para sa baguhang aktor ay malaking bahagi na sa kanyang buhay ang dalaga. “Partners in crime, on the way to soulmates. Not just friends, she is one of the most important and most influential persons in my life,” pagtatapat ni Edward.

Maraming mga bagay na umano ang natuklasan ng binata kay Maymay dahil palagi silang magkasama sa mga proyekto. “Mabaho ang bibig ‘pag bagong gising pero wala akong pakialam. Mahilig siya maligo, mahilig siya sa oversized clothes kung sa bahay lang. Mahilig siya kumain ng sweets at ayaw niya ng gulay. She doesn’t like people protecting her kasi matapang siya at matigas ‘yung ulo niya but what makes her who she is,” nakangiting pagbabahagi ni Edward.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with