^

PSN Showbiz

Jaclyn gusto nang pakialaman ang career ni andi!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jaclyn gusto nang pakialaman ang career ni andi!

Si Jaclyn Jose ang isa sa nagpahayag ng suporta sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines.

Isa siya sa dumalo sa media launch nito nung nakaraang Huwebes, May 3 at isa sa napag-usapan namin doon ay ang anak niyang si Andi Eigenmann na tila napabayaan na yata ng Kapamilya network.

Kaya kung si Jaclyn ang masusunod, gusto raw sana niyang makatrabaho si Andi. Kaya lang nasa GMA 7 naman siya, at Kapamilya pa rin si Andi. Hindi naman daw niya alam kung bakit wala pa ring show si Andi sa Kapamilya network.

Wala naman yatang plano ang ABS-CBN 2 kay Andi. “Wala siyang ginagawa eh. So, I suppose, wala,” tipid na sagot ni Jaclyn.

Kung sakaling nasa GMA 7 na si Andi, okay lang ba na makatrabaho nito si Jake Ejercito na lumalabas paminsan-minsan?

“Oo naman. Hindi naman ako producer!” natatawang pakli ng isa sa main cast ng The Cure ng GMA 7.

“Baka ako naman ang tanggalin pag umayaw ako. Nakakaloka!” dagdag pa niyang pahayag.

Vilma at Lucky may pinag-samahang raket

May commercial nga raw ang mag-inang Cong. Vilma Santos at Luis Manzano kaya nagkaroon bigla ng sariling Instagram account si Cong. Vi.

Pawang teaser ang ipinu-post nito na alamin daw kung ano raw ang surprise sa kanya ni Luis.

Pero winner ang isang post niyang throwback photo ni Luis nung baby pa siya na nasa caption na pararg siopao daw ang mukha ng Kapamilya actor/TV host. May hashtag na #ViLucky at maaa­ring iyun ang hashtag ng bagong commercial nilang mag-ina na ang dinig namin ay isang sikat na supermarket.

Iyun ang aabangan natin na ipu-post agad yan ni Cong. Vi sa kanyang bagong Instagram account.

Marami ngang mga taga-showbiz ang natuwa at nag-welcome ng bonggang-bongga sa Star for All Season sa mundo ng social media.

Ellen asyumera!

Tamang hinala kaya itong kay Ellen Adarna na ginawang mala­king isyu itong babaeng si Eleila na kumukuha raw ng video sa kanila habang kumakain sila sa isang Ramen house sa Makati.

Nung kamakalawa lang ay nasa IG story ni Ellen ang ginawa niya sa babaeng iyun na kinukunan din niya ng video habang kinukunan daw sila.

Sabi niya niri-reciprocate lang daw niya ang gina­wa sa kanya nung babaeng iyun. Kaya nga nakikita raw sa video na kuha niya na hindi raw ito mapakali.

Sinipat namin nang husto itong kuha ni Ellen sa babaeng iyun, parang hindi naman. Parang wala namang kamalay-malay si girl na kinukunan siya ni Ellen. Mali nga raw ang ginawa ni Ellen sa kanya at illegal ito.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

JACLYN JOSE

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with