^

PSN Showbiz

Regine nagluluksa, anak na si George namatay na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Regine nagluluksa,  anak na si George namatay na!

Nagluluksa si Regine Velasquez dahil sa pagkamatay ng pet dog niya na si George, ang Shih-Tzu na regalo sa kanya ni Jaya noong dalaga pa siya.

Thirteen years nang alaga ni Regine si George kaya talagang ikinalungkot niya ang pagkamatay ng kanyang favorite dog.

Sikat na aso si George as in celebrity siya in his own right dahil isinasama siya ni Regine sa mga taping at kapag pumupunta sa mall ang Asia’s Songbird.

Kasiping siya ni Regine sa pagtulog dahil tunay na anak ang trato sa kanya, bago pa dumating si Nate sa buhay ng singer/actress.

May special participation si George nang ikasal si Regine kay Ogie Alcasid sa Batangas noong December 2010 dahil siya ang vows bearer. Ganyan kahalaga si George sa buhay ni Regine.

“I know that even if I love him with all my heart, he will love me back even more. George will never look for anyone else. He will always be faithful. Dogs are magical creatures,” ang sabi ni Regine sa interbyu sa kanya ng Philippine Star tungkol kay George noong November 2005.

Nakaka-relate ako at ang ibang dog lovers sa nararamdaman ni Regine dahil depressing ang mawalan ng pet dog na mas loyal na kaibigan kesa sa mga tao.

Sa tuwing natsutsugi ang mga alaga ko na aso, sad na sa sad ako dahil napamahal na sila sa akin. Naniniwala rin ako na iniligtas nila ako sa anumang ka­ram­daman o kapahamakan kapag nawawala sila.

Young aktor hindi maitago ang pagpapagalaw ng ilong

Obvious na may nagbago sa ilong ng isang young actor kaya nagbago ang itsura niya.

Dating malapad ang ilong ng young actor noong contract star pa siya ng isang television network.

Nang mag-babu sa network ang young actor, biglang naging manipis na ang ilong niya na dating malapad pero knowing him, never siya na aamin.

Walang masama sa pagpaparetoke ng ilong na ginawa ng young actor dahil bilang artista, karapatan niya na magpaganda ng hitsura na malaking puhunan sa propesyon na kanyang pinasok.

Hindi naman nag-iisa ang young actor dahil maraming young stars na nagpaayos ng mukha pero super deny at hinding-hindi aamin, kahit kitang-kita ang ebidensya.

Mother Lily  nagpa-fiesta sa EB

Parang fiesta ang atmosphere kahapon sa Eat Bulaga dahil sa mga pagkain na ipinadala ni Mother Lily Monteverde sa Broadway studio ng number one noontime show.

Treat ni Mother Lily sa Eat Bulaga hosts and staff ang mga pagkain dahil sa May 9 na ang showing sa mga sinehan ng My 2 Mommies, ang drama comedy movie na pinagbibidahan ng Eat Bulaga co-host na si Paolo Ballesteros.

Nagpadala si Mother Lily ng food sa Eat Bulaga sa studio bilang pasasalamat niya sa suporta ng programa sa Mother’s Day pre­sentation ng Regal Entertainment Inc.

Sa tuwing may mga bagong pelikula ang movie company ni Mother Lily at ng kanyang anak na si Roselle Monteverde, always supportive ang Eat Bulaga at si Mr. Tony Tuviera, ang producer ng show.

Madalas na ipinapakita sa Eat Bulaga ang trailer ng mga pelikula ng Regal Entertainment Inc. kaya tumatanaw sina Mother Lily at Roselle ng malaking utang na loob sa TAPE Inc.

Malapit sa puso nina Senator Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto si Mother Lily dahil sa blockbuster comedy movies na ginawa nila noon sa Regal Films.

Si Mother Lily ang nakakita ng potensyal na puwedeng maging mga movie star sina Tito, Vic at Joey noong panahon na nagsisimula pa lamang sa telebisyon ang Eat Bulaga at hindi nagkamali ang kutob niya.

vuukle comment

MOTHER LILY

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with