^

PSN Showbiz

Marco, steady at promising na relasyon ang plano kay Juliana!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marco, steady at promising  na relasyon ang  plano  kay Juliana!

Kamakailan ay pumutok ang balitang may es­pesyal nang ugnayan diumano ang dating PBB housemate na si Marco Gallo at ang nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana.

Nagsimula ang isyu nang makita ang larawan ng dalawa sa social media na magkasama. “’Yung naisip ng mga tao, nagkamali sila na akala nila kami na. Sobrang close lang kami and I am so happy and so proud, thank you Lord na nakilala ko siya, na kaibigan ko na siya,” paglilinaw ni Marco.

Nagkakilala lamang ang dalawa sa photo shoot ng isang kilalang clothing brand. Hindi rin inakala ng aktor na magi­ging malapit silang magkaibigan ni Juliana. “I never saw it coming, ‘yung friendship namin ni Juliana dahil I never knew her. Wala akong connection na dadating sa kanya, at nagkataon na ‘yung Bench photo shoot na pinagsama kami doon nina Grae (Fernandez). Noong una awkward kami, pagkatapos siya nag-break ng ice namin. Naging sobrang close namin. After the days, halos parang everytime nag-uusap kami. Hanggang sa bigla na lang sobrang comfortable namin sa isa’t isa, wala lang. She said like, ‘Marco you wanna go to prom?’ Simple lang and I said okay. Very walang malisya,” nakangiting kwento ni Marco.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naman daw nililigawan ng binata si Juliana. “Hindi pa po kasi ‘di ba sabi nila if in case in the future you want a steady and promising relationship, you have to build up a friendship first and I count on that. So I am building a friendship with her. Let’s see how it goes,” pagbabahagi ni Marco.

Joem ayaw pang  pakasalan ang ka-live in

Halos anim na taon nang nagsasama sina Joem Bascon at kasintahang vlogger na si Crisha Uy. Sa ngayon ay wala pa sa plano ng aktor na pakasalan ang dalaga. “Hindi pa naman, nag-iipon pa. Siyempre meron pa akong… nandiyan pa ‘yung nanay ko, tatay ko, may family pang umaasa,” pagtatapat ni Joem.

“Hindi ko pa masabi kung kailan magpapakasal kasi baka biglaan na lang. ‘Uy! Kasal na kami,’” dagdag ng aktor. Iniisip din ni Joem kung ano ang ginagawa ngayon ng kasintahan kaya hinahayaan niya muna itong mag-enjoy. “Kasi nakikilala na si Crisha sa YouTube, gusto ko munang i-maximize niya kung ano ang ginagawa niya as vlogger. Pero nagpaalam naman na ako sa parents niya sa States saka sa Cebu na hinihingi ko ‘yung kamay niya. Meron namang basbas na pero ‘yung formalities, mga preparasyon talaga, wala pa naman,” paliwanag ni Joem.

Kahit matagal nang nagsasama sa iisang bubong ay wala pa rin sa plano ng magkasintahan ang magkaroon ng anak. “Sabi din namin noong nagpaalam ako magpapakasal muna. Siyempre natatakot pa rin ako sa mga magulang niya,” giit ni Joem.

Samantala, nawalan na umano ng komunikasyon si Joem at kaibigang si  John Lloyd Cruz. “Last time ko siyang nakita was last year, December sa Cebu. Nagbakasyon kami ng girlfriend ko. After that, hindi na kami masyadong nakakapag-usap. Busy yata siya eh,” kwento ng aktor.

vuukle comment

JULIANA

LUCY TORRES

MARCO GALLO

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with