^

PSN Showbiz

Julie Anne takot pa rin kay Alden?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne takot pa rin kay Alden?!

“We’re civil,” ang matipid na sagot ni Julie Anne San Jose nang tanungin namin kung nag-uusap man lang sila ni Alden Richards ‘pag nagkikita sa set ng Sunday Pinasaya. Napapansin kasi ng televiewers na pwede na silang magkasama sa skit.

May mga lumalabas ding photos na nagkakasama sila sa rehearsal ng production number at kahit anong iwasan, magtatama pa rin ang kanilang mga mata. Kaya, tinanong namin si Julie Anne sa presscon ng My Guitar Princess kung kumusta sila ni Alden ngayon?

Sa follow-up question namin kung nagbabatian sila, tumango si Julie Anne, pero siguro one-liner na batian lang gaya ng “hi” at “hello” kapag nagkakasalubong.

Natanong din namin si Julie Anne kung para saan ang music video na ginawa niya with the cast of The Lion King na kung saan, kumanta sila ng cast ng isa sa song sa stage play.

Tumawag daw ang Globe sa GMA Artist Cen­ter at kinuha siya to sing with the cast at kinunan ‘yun ng music video na ilalabas sa Net.

Anyway, excited na si Julie Anne sa airing ng morning musical rom-com starting May 7 bago mag-Eat Bulaga.

Mark tumalon sa Sports network

Hindi lang pala si Jiggy Manicad ang wala na sa GMA Network, pati si Mark Zambrano ay nag-resign na. Pero magkaiba ang rason ng kanilang pagre-resign dahil si Jiggy, pulitika ang dahilan.

Tatakbo itong senador sa 2019 election at kailangang ngayon pa lang, pag­handaan na ang pagpasok sa pulitika.

Kaya naman daw nag-resign si Mark dahil gustong mag-concentrate sa sports na expertise nito. Kaso, walang sports show ang GMA Network, kaya sa ibang network siguro hahanapin ni Mark ang gustong gawin.

Nagpo-post na nga ito sa socmed ng photos ng mga na-interview niya dati na sports personalities. Kaya, ‘wag nang magulat kung sa ibang network na mapapanood ang fiance ni Aicelle Santos.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with