^

PSN Showbiz

Kilalang male singer 100-k ang singil sa bawat dagdag na kanta!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakagarbo ng pagdiriwang ng kaa­rawan ng isang kilalang personalidad sa lipunan. Bonggang-bongga ang lugar, puro mga kilalang bisita ang nagdatingan, alam mong puro yayamanin ang mga nandu’n.

Para naman hindi boring ang piging ay nang-imbita rin ng mga singers ang mga namamahala ng selebrasyon. Mga kilalang male singers ang kanilang kinuha para sa karagdagang saya ng mga bisita.

Kuwento ng aming source, “Tatlo silang invited sa party, bayad ang performance nila, siyempre. Peanuts na peanuts lang para sa may birthday ang talent fee nila.

“Nauna nang kumanta ang dalawang male singers, panalo sila sa mga guests, puro old songs ang kinanta nila na nababagay sa age ng may birthday. Humingi pa ng dagdag na songs ang mga bisita, okey naman ‘yun sa dalawang male singers, kaya ang tatlong kanta lang dapat nila, e, naging lima.

“Walang problema, satisfied ang mga bisita sa performance ng dalawang male singers, umani sila ng palakpakan,” kuwento ng aming source.

Nu’ng sumalang na ang ikatlong male singer ay lalong naging masaya ang mga bisita, may kakaiba kasing atake ang singer, aliw na aliw sa kanya ang mga guests ng may birthday.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Tapos na ang two songs niya, ‘yun lang daw naman kasi ang usapan nila ng kumuha sa kanya. Pero siyempre, nagre-request pa ang mga bisita, kumanta pa raw sana siya!

“Hindi malaman ng singer kung ano ang gagawin niya, pero nagtitinginan sila ng girl na kasama niya. Lumapit agad ang girl sa nag-invite kay male singer, nagpunta naman ang nilapitan sa may birthday, sumenyas ng okey ang kasamang girl ng singer.

“Kumanta pa uli siya, two songs ang ibinigay niya, halakhakan nang halak­hakan ang mga bisita dahil talaga namang nakakaaliw mag-perform ang nasa entablado.

“Nagpadagdag pala ng talent fee ang kasama ng male singer, usapan nila ‘yun, siyempre, na kapag humirit pa ng kanta ang audience, one hundred thousand pesos per song ang TF niya.

“Totoo, another two hundred thousand ang ibinayad ng may birthday para sa additional two songs ni male singer. Ganu’n siya katindi. No additional talent fee, no more dagdag na songs.

“Talagang ganu’n, kani-kanyang kapalaran lang naman ‘yan, sikat siyang performer, kaya kailangang bayad ang bawat dagdag na number na ibibigay niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

Pangarap ni James kay Bimby walang pag-asang matupad!

Talagang inilalayo ni Kris Aquino sa anino ng kanyang ama si Bimby. Anumang kuneksiyon kay James Yap, hanggang maaari, ay iniiwasan niyang maging bahagi ng pagkatao ng kanilang anak.

Halos lahat ng mga basketball players ay na­nga­ngarap na sana’y sumunod sa kanilang yapak ang mga anak nilang lalaki. Batambata pa lang ay isinasama na nila sa practice ang kanilang mga anak, tinuturuan nang mag-dribble at mag-shoot, para pumalit sa kanila kapag nagkaedad na sila.

Pero hindi ‘yun nagawa ni James kay Bimby, maaga kasi silang nagkahiwalay ni Kris, ang aktres-TV host na ang mag-isang nagpatakbo ng buhay ng bagets.

Sa halip na maglaro ng basketball kung saan sumikat si James Yap na puwedeng manahin ni Bimby ay inilihis ni Kris ang interes ng kanyang anak. Walang hilig sa basketball si Bimby dahil ang mas pinatutukan ni Kris sa binatilyo ay pagluluto at pagbe-bake ng cake.

Napakalayo ng koneksiyon ng pagluluto sa paglalaro ng basketball pero kung ‘yun ang gusto ni Kris para sa kanilang anak ni James ay wala namang makakokontra. Kung gusto niyang makilalang chef si Bimby pagdating ng araw ay wala namang masama dahil marangal na propesyon ang pagiging magaling na cook.

Pero malinaw ang senaryo. Ayaw ni Kris na maging sikat na basketball player din si Bimby dahil galit siya kay James Yap. Anumang may kinalaman sa basketball ay ayaw niyang sundan ni Bimby.

Kay MJ na lang siguro, sa anak nila ni Michela Cazzola, matutupad ang pangarap ni James Yap na magkaroon ito ng junior sa hardcourt.

vuukle comment

BIMBY

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with