^

PSN Showbiz

Ice pumalag sa ginawa ng COA!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ice pumalag sa ginawa ng COA!

Tingin ni Ice Seguerra, unfair ang paglabas ng balitang kinuwestiyon ng COA o Commission on Audit ang mga nagastos ng National Youth Commision na dating pinamumunuan ng acoustic singer bilang dating NYC Chairperson.

Naging isyu kasi noon na kinuwestiyon daw ng Commission on Audit ang mga nagastos nila sa merienda.

Sabi ni Ice, lahat daw iyun ay nasagot nila at cleared daw iyun.

Pahayag niya; “Lahat naman na agencies, it’s COA’s job to audit. Kulang lang yung inilabas na balita kasi na-reconcile namin lahat na questions ng COA eh. Sana lang yung naglabas ng balita, inilabas din nila yung side ng NYC.

“Medyo naano lang ako dun na parang inilabas nila yung kabilang side, ang sa amin hindi nila inilabas.

“Kumbaga, bago pa lang ako umalis sa NYC…December pa lang of last year, may exit conference na cleared kami. Wala kaming disallowances or anything.

“Sana lang laging both sides inilalabas.”

Mas okay daw ngayon ang kalagayan ni Ice ngayong nag-focus siya sa pagkanta.

Pero supportive din siya sa partner niyang si FDCP Chairperson Liza Diño na abala ngayon sa pagsisimula ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Si Ice ang mangangasiwa sa Sine Kabataan na isa sa mga bahagi sa naturang event ng FDCP.

Sa June 15 na ang deadline ng submission of entries at pipili ng walong pelikulang magiging kalahok sa PPP na magsisimula sa August 15 hanggang 21.

Naghahabol sa pagiging King & Queen ng Lizquen, natahimik

Matindi ang reaksyon ng mga LizQuen fans sa mga nagkukuwestiyon kung bakit sina Enrique Gil at Liza Soberano ang napiling Box-office King and Queen, at hindi ang Alempoy na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez ng pelikulang Kita Kita.

Ayon sa source, malakas pala talaga ang worldwide box-office results ng my Ex and Whys ng LizQuen.

Naka-410M daw ito worldwide pero mas mataas pa rin ang Gandarrapido na naka-571M pero hang­gang January 2018 pa kasi ang showing nito at hindi sa buong taong 2017 lang.

Dito sa atin ay mas malakas ang Kita Kita na naka-320M gross, samantala ang Ex and Whys ay mahigit 150M lang. Pero kinunsider kasi ang kinita sa buong mundo kaya ang LizQuen ang napiling Box-office King and Queen.

Kaya nagagalit ang mga LizQuen fans sa mga nagkukuwestiyon dahil nakikita naman daw sa box-office results ng buong mundo na mas malakas talaga ang pelikula nina Enrique at Liza.

Christian ayaw anakan agad ang magiging misis

Hindi pa sinasabi ni Christian Bautista kung saang bansa sila magpapakasal ni Kat Ramnani, pero parang nasa isang beach resort daw ito sa isang Asian country na ayaw niyang banggitin kung saan. Pero ilang sour­ces ang nagsasabing sa Indonesia ito gagawin na kung saan sikat na sikat doon ang male balladeer.

Sabi ni Christian, wala pa raw muna silang balak ni Kat na magka-baby. Gusto raw muna nilang magsama na sila lang bilang mag-asawa. Kaya nga pati sa trabaho ay isa raw ito sa mga kunsiderasyon dahil may asawa na siya.

Nakakontrata pa si Christian sa GMA 7 at kaya pinili raw niyang maging Kapuso dahil gusto niyang mag-focus muna sa acting at hosting.

Okay lang daw na wala siyang musical show sa Kapuso network dahil nakapag-concert naman daw sila.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

ICE SEGUERRA

NATIONAL YOUTH COMMISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with