^

PSN Showbiz

Aktres de primera sumbungera!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na gaanong aktibo ngayon ang isang kilalang female personality na hindi gusto ng kanyang mga katrabaho ang pinalulutang na ugali. Hindi siya artista, pero may hawak siyang mikropono, tagapagbalita ang babaeng personalidad na ito.

Hindi siya marunong makisama, dumarating at umaalis siya sa set nang walang kahit sinong kinakausap, pero de primera siyang reklamadora.

Kuwento ng isang source, “Nakakatakot siyang katrabaho, konting kibot lang, naka-report na sa executive producer ang kahit maliit lang namang pagkakamali ng mga kasamahan niya sa work.

“Masyado siyang mareklamo, konting dahilan lang, pinalalaki na niya agad. Nagi­ging malaking issue na agad ‘yun kahit hindi naman sadya ang pagkakamali ng kanilang staff.

“Mabuti na lang at kabisado na ng EP ang capacity ng mga staff niya, very professional sila, kaya labas-pasok lang sa magkabilang tenga ng executive producer ang inirereklamo niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Wala siyang kasundong production staff. Hindi rin siya gusto ng mga make-up artist. May sariling mundo pala kasi ang female personality.

“Batiin mo siya at parang wala siyang nakita at narinig. Basta diretso lang siya sa paglalakad. Kapag may reklamo siya at sumagot ka, siguradong makararating na agad ‘yun sa mga bossing.

“Kunsabagay, pinapakibagayan na lang siya ng mga co-hosts niya, kasi nga, baka ireklamo rin sila sa mga boss, mahirap na! De primera siyang sumbungera, inis na rin sa kanya ang pinagsusumbungan niya dahil kahit wala namang kabagay-bagay, e, big issue na agad para sa kanya!

“Nu’ng minsan siyang dumating sa set, e, napakainit ng ulo niya. Nakalimutan kasi ng PA at driver niya ang mahiwaga niyang make-up kit. Natural, kailangan niyang gumamit ng ibang kagamitan para lang siya sumalang na may make-up.

“Juice colored! Inaaway niya ang make-up artist dahil puro luma na raw ang sponge na ginagamit, katapun-tapon na kuno, kaya kinamay na lang niya ang pagme-make-up sa sarili niya!

“Naku, ewan kung bumalik na sa bansang pinanggalingan niya ang babaeng ‘yun! Nagtatrabaho siya sa Pilipinas, kaya kailangan niyang makisama!

“Kung ang mga tagapamuno nga ng bansa nila, e, nagkasundo na, siya pa ba naman ang magmamaldita nang ganyan? Saranghameda!” Humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Barbie hindi nagpadaig kay JM

Para-paraan lang naman ang dapat gawin kapag gusto mong tutukan ang isang serye. Kasabay ng aming programa sa radyo ang bagong palabas ng ABS-CBN, ang Araw Gabi, pero walang imposible.

Ipinate-tape namin ang bawat episode ng serye, pinanonood namin sa gabi pagdating namin sa bahay, kaya walang nakalalampas na sultada sa amin ang seryeng pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Hindi kinalawang ang husay sa pagganap ni JM de Guzman sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Kung wala ka ngang alam na kuwento tungkol sa buhay ng guwapong aktor ay hindi mo maiisip ang kahit ano dahil sa galing niyang umarte.

Puring-puri rin nina Rita Avila at Eric Nicolas si JM, marunong siyang makisama, napakapropesyonal at hindi kailanman naging problema sa set ng Araw Gabi.

Kapag gusto na talagang magbago at magpakaseryoso sa pagbabago ang kahit sino ay maraming paraan, pero kapag ayaw, marami ring dahilan.

At nakikipagsabayan rin sa husay ni JM si Barbie Imperial, napakainosente ng rehistro ng kanyang kagandahan sa screen, ito ang unang pinalabas sa PBB nu’ng kanyang panahon pero hindi sumuko ang dalaga.

Lahat ay gagawin ni Barbie para sa kanyang pamilya, lumaki ito sa isang kapaligiran sa Bicol sa tabi ng riles ng tren, gustong mabigyan ng magandang kapalaran ng young actress ang kanyang ina na mag-isang nagpalaki sa kanya.

Isang nagbabagong-buhay na aktor, isang dalagang nangangarap ng magandang buhay para sa kanyang ina, ramdam na ramdam sa kanilang mga eksena sa Araw Gabi ang kuwento ng kanilang personal na buhay.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with