^

PSN Showbiz

Boy Abunda nag-aalaga na rin ng inspirational speakers!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda nag-aalaga na rin  ng inspirational speakers!
Boy

Pagkatapos pumirma ni Kuya Boy Abunda ng renewal sa ABS-CBN, marami pa pala siyang pinagkakaablahan bukod sa mga programa niya sa Kapamilya network na Tonight with Boy Abunda, Bottomline at Inside Cinema.

Masayang ibinahagi sa amin ng King of Talk na meron siyang binuong grupo ng mga speaker na puwedeng gamitin ng iba’t ibang kumpanya sa kanilang mga seminar, team building, summit, iba-iba. Tinawag niya itong PhilSpeakers.

Kuwento ni Kuya Boy; “Last year I keynoted the Asia Professional Speakers Congress in Singapore. Ito ay isang grupo ng mga top Asian speakers… I keynoted that.

“Dun ako nakakuha ng inspirasyon to form the PhilSpeakers.

“It’s a community of speakers, iba-iba kami.

“I can name a few; nandiyan ako, I have a Taxation expert si Mon Abrea, may financial management expert, merong political expert.

“I spoke to Richard Heydarian, to Mon Abrea, Salve Duplito, I have the chairman of the Sociology Department of Ateneo si Jayeel Cornelio.

“Kasi vast yung coverage namin… we spoke already to Pia Wurztbach to talk about her story. I spoke to Drew Arellano to talk about how it is to be…learning to be a father, o being a triathlete.

Bianca Gonzales is gonna be a part of this…you know being a social media influencer. Kylie Versoza will handle mental health. Bela Padilla is joining here.

“I also talked to Liz Uy and Vince to talk about personal styling etc.

“Kasi I become very busy hindi lamang sa trabahong ito… I’ve been speaking very very aggressively in different companies.

“Siguro in the last few months, I did 7 BPOs, call centers from JP Morgan to 24/7. I did Filoil, iba-iba.”

Bale hina-handle sila ng Asian Artist Agency na kung kinakailangan daw ng speakers, meron silang talaan na puwedeng pagpilian at may talk menu kung ano ang puwede nilang i-share bilang speaker.

Sikat na aktres at kilalang negosyante nag-sex sa harap ng mga kaibigan!

Parang ayaw namin maniwala sa narinig naming usap-usapan ng isang grupo ng mga kalalakihang nasa negosyo, pulitika at broadcas­ting.

Nagtatanungan sila kung may nakalusot daw bang video ng kilalang aktres at ng kilala ring businessman lover na nagsi-sex.

Iyun daw kasi ang kumakalat na usap-usapang parehong nalasing daw sina kilalang aktres at ang lover niya sa isang private party na ginawa sa isang yate. Iilan lang daw sila roon ng mga close friends at nadala raw sa tuksu-tuk­su­han, puma­yag daw silang mag-sex sa harap ng ilang kaibigan.

Sarah sunud-sunod pa ang trabaho!

Pawang papuri at awa ang ipinarating na mensahe ng fans na nakapanood sa This 15 Me concert ni Sarah Geronimo sa Las Vegas na kung saan ibinuhos nito ang kanyang saloobin sa buhay.

Karamihan sa mga nag-comment sa post ni Mark Bau­tista sa kanyang Instagram account ay pumuri kay Sarah at nagpahayag ng suporta.

Nasulit daw ang ibinayad nila sa ticket, kahit medyo mahal, at kahit nagbiyahe sila ng malayo para makarating lang sa Las Vegas.

Ang iba naman ay nagsasabing sana magpahinga na muna si Sarah.

Pero marami pang naka-line up na schedule ng concert pagkatapos niyang magpahayag na napagod na siya roon sa kanyang Las Vegas concert.

Meron pa si Sarah sa Chicago, Illinois sa May 4 at sa May 6 sa New York naman sila. Pagbalik ng bansa ay may naka-schedule pa ang Pop Princess sa Davao sa June 30, meron pa sa Iloilo sa September, sa Batangas sa November at sa Baguio sa December.

Sana magawa ito lahat ni Sarah, kahit napapagod na siya.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with