^

PSN Showbiz

Paul selos na selos na sa romansahan nina JM at Barbie

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Paul selos na selos na sa romansahan nina JM at Barbie
Barbie

Hindi lamang si JM de Guzman ang maituturing na masuwerte sa major cast ng bagong serye ng ABS-CBN na Araw Gabi dahilan sa muli siyang tinatanggap ng manonood at binibiyayaan ng kanilang suporta, masuwerte rin ang leading lady niya na si Barbie Imperial na bagaman at unang na-evict nang pumasok ng Pinoy Big Brother house ay unti-unti nang nakukuha ang suporta ng mga tumatangkilik sa serye dahilan sa kanyang humility.

Lahat ay nagkakaisa na kaila­ngan niyang magtagumpay para sa ma­gan­dang kinabukasan nilang mag-anak sa kabila ng kawalan ng suporta ng kanyang ama. Maswerte rin si Barbie dahil si JM ang nakasama niya sa kanyang quest for stardom. Inaabangan ito ng manonood at lalo siyang magiging lucky ka­pag tinanggap ang pareha nila. Sana rin totoong friends sina JM at ang dyowa niyang si Paul Salas na unti-unti nang nagseselos sa mga daring scenes nila.

Lahat Happy…

Meron bang hindi naging masaya sa pagbabatian ng mag-iinang Jackie Fors­ter at Andre at Kobe Paras? Kung si Benjie Paras at ma­ging ang kanyang asawa na nag­palaki sa dalawa niyang binata ay masaya sa naging kaganapan, ‘yun pa kayang mga observer lang ang hindi?

Long overdue na ‘yun at anumang problema nila in the past ay dapat matuldukan na. I’m sure na hindi lang si Jackie ang naka-miss sa kanyang mga anak, nangulila din ang mga anak niya.

Roderick suki ng problema  sa pulitika

‘Yan na nga ba ang dapat ikatakot ng mga artistang sumasabak sa pulitika. Kapag nasa puwesto na sila ay napagbibintangan silang corrupt at gumagamit ng pera na hindi sa kanila. Gaya ni Roderick Paulate na makakatapos na ng termino na kinakailangan niya bilang konsehal pero, heto’t may pinagdaraanan na naman.

Tama naman na kayang ibigay ng kanyang pag-aartista ang anumang pangangailangan niyang pinansyal pero hayun at kailangan pa niya na muling ilabas ang sarili niya sa gusot. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with