^

PSN Showbiz

Ruru walang pakialam sa relasyon nina Gabbi at Khalil ;Vice pinangakuan ng career ang tricycle driver

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Ruru walang pakialam  sa relasyon nina Gabbi at Khalil  ;Vice pinangakuan ng career  ang tricycle driver

SEEN: Ang pangako ni Vice Ganda na kasali sa pelikula niya para sa Metro Manila Film Festival 2018 ang Pilipinas Got Talent finalist na si Joven Olvido, ang tricycle driver mula sa Sta. Cruz, Laguna na may talent sa pagpapatawa.

SCENE: Hindi affected si Ruru Madrid sa balita tungkol sa pakikipagmabutihan ni Gabbi Garcia kay Khalil Ramos dahil matagal nang tapos ang relasyon nila ng kanyang ka-loveteam sa bakuran ng GMA 7.

SEEN: Umiyak si K Brosas sa concert nito sa Kia Theatre noong Sabado. Napaiyak si K nang ikuwento nito ang pakikipaglaban sa anxiety disorder at nang kantahin niya ang The Warrior is a Child.

SEEN: Mangyayari bukas, May 1, ang Harry Styles, Live On Tour, ang much awaited concert ni Harry Styles sa Mall of Asia Arena. Nag-umpisa ang ticket selling para sa concert ni Harry noong June 19, 2017 at mabilis ito na naubos.

SCENE: Isang araw lang ang pagitan ng concert nina Harry Styles at Bruno Mars. Magtatanghal si Bruno sa Mall of Asia ng kanyang 24K Magic World Tour sa May 3. Nagsimula noong September 7, 2017 ang ticket selling para sa concert ni Bruno Mars.

SEEN: Spotted kahapon na nag-aalmusal sa isang restaurant sa Pasig City ang sexy star na si Sheree at ang kanyang foreign boyfriend na executive ng isang sikat na fitness center. Si Sheree ang nanay ni Miguel Tanfelix sa Kambal, Karibal.

vuukle comment

GABBI GARCIA

KHALIL RAMOS

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with